Miss Earth Belarus niregaluhan ng bagong cellphone

Matapos manakawan, Miss Earth Belarus nagpasalamat sa anonymous Pinoy na nag-regalo sa kanya ng cellphone

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/24/2017 9:29 AM
Miss Earth Belarus niregaluhan ng bagong cellphone


 

Malaki ang pasasalamat ngayon ni 2017 Miss Earth candidate from Belarus na si Polli Cannabis sa isang nagmalasakit na Pinoy matapos siyang bigyan nito ng isang brand new phone.

READ: 2017 Miss Earth Belarus loses her smart phone in the Philippines

Matatandaan na sa kasagsagan ng kanyang pamamasyal sa isang mall sa Pilipinas ay naging biktima siya ng mga mandurukot na agad niyang na ireport sa pulis at pinag-usapan sa social media.

Dahil sa hindi niyang maganda experience dito sa Pilipinas, isang anonymous Pinoy pagaent fan na may mabuting loob ang nag-regalo agad ng isang bagong cellphone sa beauty queen na labis pinasalamatan ng kandidata.

"Someone sent me a phone like a present (laughs) I don't know who is it but thank you so much!" kuwento pa ng kandidata sa opening ng Osaka Takoyaki Japanese Restaurant.

Masayang-masaya din ang Miss Earth candidate dahil muli niyang nakakausap ang kanyang mga mahal sa buhay sa Belarus.

"Now I can connect with my family, with my friends, with my relatives. And I feel very good. I have already forgotten all this case. Thank you so much!" pahayag pa ng kandidata.

Magaganap ang coronation night ng 17th Miss Earth pageant sa November 4 sa Mall of Asia Arena.