• Home
  • Fresh Scoops
  • Janine Gutierrez, walang pressure ang pagmamabutihan kay Rayver Cruz

Janine Gutierrez, walang pressure ang pagmamabutihan kay Rayver Cruz

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/24/2017 9:42 AM
Janine Gutierrez, walang pressure ang pagmamabutihan kay Rayver Cruz


 

Isa ang aktres na si Janine Gutierrez sa mga mapapanuod ngayong Halloween sa upcoming horror movie ng Octo Arts Film na Spirit of the Glass 2: The Haunted.

Dito, makakasama ni Janine ang ilan sa mga bituin gaya ni Cristine Reyes, Maxine Medina, at Daniel Matsunaga.

Kuwento ni Janine, dumaan talaga siya sa matinding mga eksena para mabigyang hustisya niya ang pananakot sa mga manunuod.

"Yung story ko sa movie talagang madugo kaya napasabak ako agad... medyo intense na yung mga eksena niya kaya nabigla din ako,” kuwento ni Janine.

Bukod sa horror film, kabado din si Janine para sa nalalapit na concert ng kanyang mamita na si Pilita Corrales na An Evening With Pilita sa November 17 sa The Theater of Solaire.

 

EVERYTHING😍😍😍 • Inside this month's @smshopmag ❤️

A post shared by JANINE 🌺 (@janinegutierrez) on

"Talagang kinakabahan po ako. Siyempre Asia’s Queen of Songs si Mamita to share a stage with her ay dyusko ‘di ko alam kung ilang Pei Pa Qua ang kakainin ko para makahabol ako sa talent niya. Pero siyempre excited ako kasi part ako ng celebration niya," sabi pa ni Janine.

Proud din si Janine sa kanyang lola na si Nora Aunor na nagdiwang din kamakailan ng 50th year anniversary sa showbiz.

Read: 50th showbiz anniversary ni Nora Aunor ipinagdiwang ng mga Noranians

"Proud ako sa kanya dahil hindi biro ang 50 years at hanggang ngayon may mga nagmamahal at patuloy siyang minamahal so talagang nakaka-proud," ani pa ni Janine.

Pagdating naman sa usapin ng kanyang buhay pag-ibig, masayang nagkuwento din ang dalaga tungkol sa patuloy na pag mamabutihan nila ni Rayver Cruz.

 

Saturdate 😊

A post shared by JANINE 🌺 (@janinegutierrez) on

"Ganun pa din, masaya pa din. Masaya na mayroon akong palagi nakaka-usap. (Laugh) Mabait po talaga siya e, very funny. Kung kakilala niyo po si Rodjun, parang ganun din po si Rayver. Mabait, kuwela, nakakatawa so magaan lang sa pakiramdam nung nagka-usap kami and siguro nagkasundo lang kami agad," kinikilig na kuwento ni Janine.

Dahil busy ngayon si Janine at Rayver sa kanilang mga trabaho, no pressure din daw para sa kanila na i-level up ang kanilang relationship.

"Wala naman pong hinihintay. Relax lang po talaga and busy din naman po kaming dalawa palagi kaya go with the flow lang."

Masaya din si Janine para sa closeness ng kanyang mommy na si Lotlot De Leon sa kanyang special someone.

"Si mama, they're really close so kaya ko siya nakita ulit kasi pumunta siya doon sa restaurant ng mommy ko. And parang magkatrabaho na sila dati pa nung bata pa si Rayver so parang anak-anak talaga siya ni mama and parang silang magkabarkada," pahayag ni Janine.

Mapapanuod ang Spirit of the Glass 2: The Haunted ngayong November 1. Mula sa direksyon ni Joey Reyes.