Jona devastated over her father's passing

Jona says she is very close to her family and is working hard for their sake.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/23/2017 2:26 PM
Jona devastated over her father's passing


Photo credits to jona_viray IG

 

Sa Rated K, hindi napigilang maluha ng birit queen na si Jona nang magkwento siya tungkol sa kanyang ama na pumanaw na nitong nakaraang sabado, October 21. Ani Jona, “inapplyan ko siya ng passport pero hindi namin nagamit together.”

Namamayagpag ang karera ni Jona at nalalapit na ang kanyang solo concert. Nitong June lang ay nakasama rin ang tatlo sa mga kanta niya sa Top 10 Billboard charts. Ang mga kantang ito ay “Pusong Ligaw,” “Maghihintay Ako,” at “You.”

Pero hindi alam ng nakararami na todo kayod siya dahil sa tatay niya na nagkaroon ng malubhang karamdaman. Todo pasalamat naman si Jona sa mga taong sumusuporta sa kanya at sa kanyang pamilya. “Thankful ako kasi marami pong nagpapakita ng support at pagmamahal sa pamilya namin sa ganitong pagkakataon po na dumadaan po kami sa pagsubok. Talagang napi-feel ko na very close, very tight po yung samahan  ng pamilya namin.”