• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanalo ang Pinoy movie na “Bomba” ng Special Jury Prize.

Allen Dizon at Angeli Nicole ng pelikulang “Bomba,” wagi sa 33rd Warsaw International Film Fest

Nanalo ang Pinoy movie na “Bomba” ng Special Jury Prize.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/23/2017 01:41 AM
Allen Dizon at Angeli Nicole ng pelikulang “Bomba,” wagi sa 33rd Warsaw International Film Fest

 

Binigyan ng mataas na pagkilala ng 33rd Warsaw International Film Festival (WIFF) ang mga bida ng pelikulang Bomba (The Bomb)  sa kanilang awarding ceremony na ginanap sa Palace of Culture and Science, Wasaw City, Poland nu’ng Sabado (Oct. 21).

Personal itong tinanggap ni Allen. Hindi naman nakasama ang co-actor niyang si Angeli dahil naiwan ito sa Pilipinas. Kasama sa entourage na nagpunta ng Warsaw ang line-producer na si Dennis Evangelista at director ng pelikula na si Ralston Jover.


Pinagkalooban ng WIFF ang special jury award sina Allen Dizon at Angeli Nicole Sanoy para sa kanilang performances sa pelikulang Bomba.

Ang Bomba (The Bomb) ang nag-iisang entry ng Pilipinas sa  WIFF na itinuturing na isa sa A-list film festivals sa buong mundo.

Sa huling interbyu ng PUSH kay Allen ay nabanggit nitong hindi siya nag-i-expect na mananalo  ulit ng international award although aminado siyang nahirapan talaga sa role na ginampanan bilang isang pipi at bingi sa bagong pelikula.

“Mas masaya yung pakiramdam na ganito, yung wala kang ini-expect tapos ibibigay sa ‘yo,” sambit niya sa PUSH patungkol sa bagong international acting recognition na nakuha.

Ang pelikula pelikulang Bomba na co-production ventures ng ATD Entertainment at ng Heaven's Best Entertainment ng mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista ay binigyan ng X-rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) and eventually, ni-reverse ang rating at binigyan ng R-13.