• Home
  • Fresh Scoops
  • Mga celebrities dinagsa ang anniversary concert ng Asia's Songbird.

Regine Velasquez, Donna Cruz and Mikee Cojuangco together again sa R30 Concert

Mga celebrities dinagsa ang anniversary concert ng Asia's Songbird.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/22/2017 02:08 PM
Regine Velasquez, Donna Cruz and Mikee Cojuangco together again sa R30 Concert
Photo credits to the owners

 

Isang panibagong milestone ang muling nakamit ni Asia's Song bird Regine Velasquez sa  unang gabi ng concert na R.30 sa Mall of Asia Arena.

Sold out at talagang dinumog ng mga fans ang naging selebrasyon ni Regine  para sa kanyang 30th year sa Showbiz industry.

Bukod sa mga fans, present din para magbigay suporta ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Regine gaya nina Richard Gomez at Lucy Torres - Gomez, Vice Ganda, Jaya, Eric Santos, Jed Madella at iba pa na naging parte din sa 30 years ni Regine sa showbiz.

Present din sa unang gabi ng concert ang ilan sa mga mang-aawit na naka duet ni Regine gaya nina Angeline Quinto, Jona, Julie Ann San Jose, Aicelle Santos at Morissette Amon na nakipag- halimawan kay Regine sa pag-awit sa kanyang mga allbtime birit hit songs.

 

Kilig overload naman ang singer sa naging special number niya kasama ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid na naka-duet niya sa ilang mga awitin na gawa mismo ng songwriter gaya ng "Pangako" at "Hanggang Ngayon."

Highlight din ng gabi ang muling pag sasama sama sa isang stage nila nina Donna Cruz at Mikee Cojuanco na napanuod noon sa classic movie na Do-Re-Mi kung saan inawit nila ang awiting "I Can," na sumikat noon sa kanilang pelikula.

 

 

 

Kasama din ang nag iisang anak ni Regine na si Nate Alcasid na umawit ng "I Can." Naka-duet na din siya ni Regine sa R30 Commemorative album. Umabot sa 30 songs ang inawit ni Regine sa kanyang unang gabi ng concert at inaasahan ang mas maraming showbiz presonalities pa ang kanyang magiging special guest para sa second night ng kanyang concert ngayong gabi October 22.