LOL! Jhong Hilario may ‘ipinakilala’ kay Coco Martin

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/23/2017 05:23 AM
LOL! Jhong Hilario may ‘ipinakilala’ kay Coco Martin

 

Hindi napigilan ni Jhong Hilario aka “Alakdan” ng FPJ’s Ang Probinsyano na dalhin sa set ng TV show ang kanyang “anak” para ipakilala kay Coco Martin.

Bitbit ang “anak” nila ng TV host na si Karylle (mula sa kanilang Magpasikat performance sa It’s Showtime), proud na ipinakilala ni Jhong si Ipad kay “Cardo.”


“Ipad kasi ipis tsaka higad,” natatawang paliwanag ni Jhong kay Coco. 

 

Nanalo ng third place ang team nina Jhong and Karylle sa Magpasikat noong Sabado, October 21, at makakapagbigay sila ng P100,00 sa kanilang napiling charities.