• Home
  • Fresh Scoops
  • Ivan Padilla stars in “12” opposite Alessandra De Rossi.

EXCLUSIVE: Ivan Padilla to return to the US to pursue Hollywood dream

Ivan Padilla stars in “12” opposite Alessandra De Rossi.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/23/2017 01:39 AM
EXCLUSIVE: Ivan Padilla to return to the US to pursue Hollywood dream

 

Sa Amerika unang sinubukan ni Ivan Padilla ang pag-arte and in fairness, marami siyang nagawang pelikula, naging active sa theaters, nakagawa ng commercial at nag-guest din sa ilang TV series.

Kuwento ni Ivan sa PUSH, “Sa L.A ako nagsimulang umarte. Gumawa ako ng mga TV shows tulad ng Dexter, CSI: Miami, CSI: New York at The Closer.  Siguro ‘yung Dexter ang pinaka-well known na ginawa ko.


“Kasama ako sa loob ng isang season.  Ako yung kontrabida sa season na ‘yun. Tapos gumawa rin ako ng movies. Ang isa sa ginawa ko ay ‘yung Here Comes The Boom.”

Ngayon ay nasa Pilipinas si Ivan para subukan ang local showbiz. Siya ang leading man ni Alessandra de Rossi sa pelikulang 12 na prinodyus ng Viva Films at showing sa Nov. 8.

Ayon kay Ivan, naniniwala siyang hindi pa naman huli ang lahat para magsimula ng acting career sa Pinas kahit pa nasa early 30s na siya.

“Hindi naman siguro. And I don’t think there’s a problem because… it would be one thing, kung I just started acting now, pero 10 taon ako sa US, eh. Which Pinoy actors dito sa atin did 35 movies and TV shows sa US?” katwiran niya.

Aminado rin ang aktor na talagang nahirapan siyang i-pursue ang acting career sa US.

“Sobrang hirap do’n, eh, very competitive. Buong mundo pumupunta sa Hollywood para maging international star. Ang problema do’n kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako sikat sa US is because of my race, eh.

“Hindi naman racial discrimination, it’s just that kapag lead, inaasahan ng mga tao na white guy yan.

“So, biruin mo yung lahat ng mga movies, white guy talaga yung lead. I wasn’t really happy with the things that I had to do to get my part, like for one thing, walang roles diyan para sa Pinoy, there’s none.

“Even for their standards, hindi sa nagyayabang ako, pero may respeto sila sa akin dahil sa performances ko. Kaso, it’s just the way things are,” dire-diretso pa niyang pahayag.

Wala pa ring balak si Ivan na i-give-up ang kanyang Hollywood dream.

 

“Hindi ho. Balang araw babalik ako do’n,” paniniguro niya.

“Kasi I came so close na rin, eh. I did everything I could to get so close. Ang kulang lang is my own series doon. Don ka kasi sisikat, don ka magkakapera kapag may sarili kang series,” sambit pa niya.

Na-disappoint ba siya na hindi nag-materialize ang pangarap niyang makilala sa US?

“Hindi naman disappointed. Kasi with acting, imagine kung gaano ka-expensive ang mga college sa US, gaano ka-expensive lahat, but my acting job paid for all of that. It paid for my car, my college, my living expenses, my whole life, eh.

“Kung ang goal ko talaga ay maging millionaire, disappointed ako. But that wasn’t  my goal, eh, I just love acting and because I love acting.

“So, I don’t feel disappointed, I feel like I learned so much. I’ve got to work with ilang Oscar winning actors na rin naman, hindi sa pagyayabang, and for me, big accomplishments na yon, ang dami kong natutunan sa kanila,” pagmamalaki pa niya sa PUSH.