• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakapahinga kahit papaano si Beauty Gonzalez sa pag-gawa ng drama.

EXCLUSIVE: Beauty Gonzalez, na-enjoy ang karakter bilang palamurang beauconera sa 'Bes and the Beshies'

Nakapahinga kahit papaano si Beauty Gonzalez sa pag-gawa ng drama.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/21/2017 12:13 PM
EXCLUSIVE: Beauty Gonzalez, na-enjoy ang karakter bilang palamurang beauconera sa 'Bes and the Beshies'

 

Hirap na hirap si Beauty Gonzalez sa karakter na pinortray niya bilang palamurang beauconera (mahilig sumali ng beauty pageant) sa pelikulang Bes and the Beshies. Ayon sa aktres, malayung-malayo sa totoong personalidad niya ang ginampanang role sa pelikula.

“Oo nga, eh. Siyempre mahirap kasi parang every after mura ko napapa-sign of the cross ako. Parang hala, bakit ganito?” natatawa niyang kuwento sa PUSH.


“But you know, it’s part of the job and I’m enjoying it and okay lang. Yon kasi talaga yung requirement ng character ko, laging nagmumura.

“Sabi ko nung una, parang okay lang, nakakatawa naman yung pagka-deliver ko. Hindi naman siya yung feeling ko, eh, nakaka-offend,” dagdag ni Beauty.

Nakabuti rin daw na nakagawa siya ng comedy dahil kahit papaano ay nakapagpahinga siya sa drama na usual niyang ginagawa sa afternoon series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw.

Aniya, “Maganda nga ito na, I got to, yung nakahinga ako sa ginagawa kong drama sa Pusong Ligaw.

 “Pero siyempre, mas gusto ko pa rin talaga ang comedy kasi natural ko na yon. Parang automatic na siya kesa drama na nahihirapan pa rin ako but ngayon nadadala ko na rin naman siya. Kumbaga, kaya ko ng gawin.”

Eh, kumusta naman ba ang makipagtrabaho sa Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na bida rin sa pelikula?

“Pangarap ko talagang makatrabaho siya kasi I’ve been doing comedy and TV for almost 10 years na and now, I finally got to work with one of the best ones so parang nabawasan na yung bucket list ko.”

Natuklasan din daw niya ang sikreto ni Ai-Ai kung bakit siya naging comedy queen.

“Kasi mabilis siyang mag-isip,” bulalas niya. “And then, very ano siya, tahimik lang siya pero ino-observe niya lahat ng mga tao. And yon talaga, when you’re a comedian kailangan mabilis ang pick-up mo. And that’s what she has at hindi ko yon nakikita sa iba.

“Maganda rin yung pagka-comedic ni Ms. Ai-Ai kasi hindi siya bastos, yung nakakatawa lang talagang pakinggan which is nice. Meron naman kasing iba na nagpapatawa pero merong sinasabing hindi maganda. Sa kanya kasi, maganda yung sinasabi niya pero nakakatawa,” dire-diretso niyang pahayag.

Eh, anong klaseng comedian naman ba ang gusto niyang i-build for herself?

“I don’t know,” sagot ni Beauty. “Siguro, hindi naman ako puwedeng maging sexy kasi wala naman akong boobs. Hindi ko naman kayang magpalagay, wag na. I’m happy to be flat boobs.

“Siguro, just me, being myself. O siguro, a mother comedy, yung ganun, yung taga-probinsyana, Bisaya, ganun,” huling pahayag niya sa PUSH.

Kasama rin nina Beauty at Ai-Ai sa Bes and the Beshies sina Carmi Martin, Allan Paule, Nikko Natividad, Jon Lucas at Zsa Zsa Padilla. The film is under the direction of Joel Lamangan at produced ng Cineko Productions.