Elmo Magalona sasabak sa unang project sa ABS-CBN na wala si Janella Salvador

Na-challenge ng todo si Elmo sa una niyang MMK episode.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/21/2017 03:52 PM
Elmo Magalona sasabak sa unang project sa ABS-CBN na wala si Janella Salvador

Bibida ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya (October 21) para sa unang pagkakataon ang Kapamilya star na si Elmo Magalona para sa kwento ng isang binata na pinasan buong buhay niya ang kuyang may kapansanan.

 

Ito din ang unang pagkakataon na gagawa ng proyekto si Elmo na hindi niya kasama ang kanyang ka-love team na si Janella Salvador.

"I'm super happy kasi matagal ko na din gusto magka- MMK na project and its not easy talaga. I accept the challenge nung in-offer sa akin ang project," sabi pa ni Elmo.

Aminado din si Elmo na extra challenge para sa kanya na hindi makakasama si Janella na nakasayanan na niya maka-eksena sa kanyang mga naging proyekto.

"Actually this is my first project without Janella, nanibago ako and everytime may titignan ako sa eksena hindi yung face ni Janella yung tinitignan ko so it's very difficult. But also parang, I accept challenges so noong nalaman ko na hindi si Janella yung makakasama ko dito, I was ready to try it," ani pa ng binata.

Dahil aminadong malapit ngayon si Elmo kay Janella, wala din umano naging problema sa kanya ng muling nakasama si Janella sa former love team nito na si Marlo Mortel sa katatapos lang na benefit show nito para sa kanyang Ina.

 

"Walang ganun (laugh). I'm happy that ganun siyang klaseng tao (Marlo Mortel) and that Janella is his friend," sabi ni Elmo.

Samantala, nagbigay kuwento din ang binata sa pagdadalang tao ng kanyang ate na si Saab Magalona. Aniya excited na silang magkakapatid para sa paparating na bagong miyembro ng kanilang pamilya.

 

"I don't know how to feel na tatawagin akong tito, but I'm happy for my sister and I'm happy for her kasi hindi ko akalain na twins," sabi pa ni Elmo.

Bukod sa MMK abala din ngayon si Elmo sa My Fairy Tail Love Story na pagsasamahan nila ni Janella.