• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu tears up over her first solo lead movie ‘The Ghost Bride’

Kim Chiu: ‘Naramdaman kong importante (ako) sa industriyang ‘to’

Kim Chiu tears up over her first solo lead movie ‘The Ghost Bride’

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

10/20/2017 09:42 AM
Kim Chiu: ‘Naramdaman kong importante (ako) sa industriyang ‘to’

 

Sa ulat ng TV Patrol, naiyak si Kim Chiu dahil sa big break niya sa pelikulang The Ghost Bride na dinirek ng batikang direktor na si Chito Roño. Ito kasi ang unang solo lead movie ni Kim. “Kasi for how many years, for me to be given these big opportunities, sobrang yung hard work, everything through the years. Naramdaman kong importante ako sa industriyang ‘to.”

Ayon sa report, 11 years na si Kim sa showbiz at nakilala siya bilang ka-love team ni Gerald Anderson at ni Xian Lim. Pero giit ni Kim, hindi naman siya nagrereklamo sa pagkakaroon ng love team. “Hindi naman ako nagreklamo na may ka-love team ako, ganyan. It’s part of growing up sa showbiz na meron kang ka-love team, meron kang iba’t ibang nakakatrabaho. Pero given this kind of opportunity, hindi ko ma-explain yung sarili ko talaga.”