John Raspado bibida sa isang sexy stage musical

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/20/2017 10:04 AM
John Raspado bibida sa isang sexy stage musical
Photo credits to @johnraspado IG

 

Isa ang dating It's Showtime PoGay grand champion at Mr. Gay World 2017 John Raspado sa mga bibida sa sexy comedy play na Solo Para Adultos (For Adults Only) 

Ito ang unang beses na sasabak si John sa mundo ng teatro kung kaya aminado siya na kinakabahan dito.

"Sobrang po talaga akong kabado. Magagaling pong mga artista ang kasama ko, first acting ko ito ang dami ko agad natutunan kaya it’s really different from my training sa pageant," sabi ni John.

"Kailangan ko po talaga mag-adjust sa training ng theater kasi kakaiba and kailangan extra effort," dagdag pa niya.

Kasama ni John ang ilan sa mga first timer sa mundo ng teatro gaya nila April 'Congratulations' Gustilo na isang dancer noon sa noontime show na Wowowee, Tori Garcia, at Vivo Ouano na labis din ang excitement para sa kanilang unang theater break.

 

Sex-Comedy Play 👌🏿

A post shared by Vivo1⃣no (@vivo_ouano) on

"It's different po kasi sa TV may take 2 and take 3 tapos pwede mong ipapalit pag di mo gusto ang eksena. Sa stage play po eventually natutunan ko na din po kung paano ang tamang technique," kuwento ni Vivo.

Ang Solo Para Adultos ay mula sa isang Spanish Oscar-winning director and screenwriter na si Pedro Almodóvar na nakilala din sa mga pelikulang All About My Mother, Talk to Her, Bad Education, Volver at I'm so Excited.

Mapapanuod ang Solo Para Adultos sa Music Museum ngayong October 20, 2017 sa direksyon ni Alejandro Bong Ramos.