EXCLUSIVE: Robi Domingo not closing his doors sa posibleng pagbabalikan nila ni Gretchen Ho

Robi Domingo, wala pa daw sa mood makipag-date sa ngayon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/20/2017 10:16 AM
EXCLUSIVE: Robi Domingo not closing his doors sa posibleng pagbabalikan nila ni Gretchen Ho

 

I’m not yet in the mood!” Ito ang naging pahayag ng TV host na si Robi Domingo kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikipag-date sa ibang babae pagkatapos ng breakup nila ni Gretchen Ho.

Dagdag pa ni Robi, “Ang dami ng sini-set-up sa akin ng mga kaklase ko even in ABS, pero busy, eh.”


Bukod sa wala pa sa mood makipag-date si Robi, hindi pa rin daw siya handang ma-in love ulit.

Not yet and that’s true. Maybe, I’m in that space pa na hindi ko pa alam kung anong nangyari.

“Siguro, it’s either sobrang dami ng nangyari before or walang nangyayari ngayon, kaya hindi ako makapag-decide kung anong gagawin ko sa buhay muna,” paliwanag niya.

Hanggang ngayon naman ay bukas pa rin si Robi sa posibilidad na magkabalikan sila ni Gretchen.

On my end, I think so. My doors are not closed for anything. Pero ngayon, siguro I’m just sticking to the right side of things, yung tama, kasi if I decide depende do’n sa feeling ko lang, mahirap, eh.

“Saka ‘pag bumalik ako, wala na, ito na yon. Seryosohan na talaga. I’m 28 and she’s 27, so bawal ng magkamali,” seryoso niyang pahayag.

Nagkakailangan pa rin ba sila hanggang ngayon kapag nagkataong magkasama sila nagho-host ng mga events?

“Kasi po, nasaktan po kami pareho, eh. So, kung maging okay kami on stage parang… (kaplastikan). And the thing is we’re not actors, we’re host, we’re real people.

I came from a reality show, kaya nga po wala akong acting job, eh. Nag-try ako noon, nag-audition ako, pero hindi ako pumapasa,” reaksyon ni Robi.

Eh, paano kung tinutukso sila sa stage ng crowd?

I ask for her permission if we can play with it. Itatanong ko muna kung puwede kasi kung sabihin niya na ayaw niya, iisipin mo rin muna yung feelings ng tao kesa trabaho ko,” katwiran niya.

“Pumapayag naman siya, pero may isang instance na sinabi niyang, please, huwag mo munang gamitin kasi uncomfortable daw siya. Sabi ko, sige.

“Pero pag siya naman yung unang humirit, ibig sabihin puwede na. Pero if the crowd loves it tapos yung kasama ko naman sa stage ay uncomfortable don parang mas papanigan ko na yung taong kasama ko kesa give what the crowd want,” huling pahayag niya sa PUSH.