• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni and Paul celebrated their first child’s birthday with a golf-themed party.

Proud parents Toni Gonzaga and Paul Soriano share birthday wish for son Seve

Toni and Paul celebrated their first child’s birthday with a golf-themed party.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/02/2017 03:39 PM
Proud parents Toni Gonzaga and Paul Soriano share birthday wish for son Seve
Photo credits to @adaswonderlandpartyneeds IG

 

Nagdiwang ng first birthday nitong weekend ang anak ng sikat na showbiz personalities na sina Direk Paul Soriano at aktres na Toni Gonzaga na si Severiano Elliot Gonzaga Soriano o mas kilala na si Baby Seve.

Golf ang naging concept ng salo-salo dahil isinunod ni Direk Paul ang pangalan ni Seve sa isang sikat na Golfer na si Severiano Ballesteros Sota ng Spain.


 

Every birthday counts... especially the first. Happy birthday, @severianoelliott 💙#sevein1 #seveinone

A post shared by Cocoon Studio (@cocoonstudioph) on

Bilang mga magulang, masayang masaya ang showbiz couple para sa kanilang anak.

"Super happy! Super overwhelmed kasi lahat ng family at friends na magmamahal they were able to make it today,” sabi ni Toni.  

Gaya ni Toni super happy din si Paul para sa kanilang anak.

"It’s an amazing feeling. I love Seve so much and to celebrate his first birthday is an amazing feeling and we’re celebrating," ani pa ng direktor.  

 

I am officially 1! Happy happy birthday @severianoelliott 💙 #Sevein1 #cocoonstudioph #birthday

A post shared by Cocoon Studio (@cocoonstudioph) on

Absent naman sa Star Magic Ball ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga, na very enthusiastic sa pagkukuwento ng mga improvement sa milestones ni Seve.

"Parang kusa nag-balance na siya, kaya proud kami as in, akala mo na solusyunan niya ang cancer ganung level! Sa pagkaligaya namin ganun!" masayang pahayag pa ni Alex.

Hiling naman nina Direk Paul at Toni para kay Baby Seve ang lumaking malusog at matagumpay sa buhay ang kanilang panganay na anak.

"Wish ko sa kanya, may he grow up healthy, strong, smart, respectful to all elders and obedient sa parents," sabi ni Toni.  

Sa ngayon naghahanap na din ng preparatory school sina Toni at Direk Paul na posibleng pasukan ni Seve in couple of years.