Claudine Baretto gustong makatrabaho si Julia Baretto

Claudine nag-open up din sa balak niyang pagbabalik TV.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/2/2017 6:01 PM
Claudine Baretto gustong makatrabaho si Julia Baretto


 

Present sa katatapos lang na 2017 Star Magic Ball ang award-winning actress na si Claudine Baretto, na walong taong na miss ang annual event na ito.

Dito naibahagi ni Clau ang kanyang planong pagbabalik bilang isang Kapamilya sa isang teleserye.

"Siguro teleserye, kasi namimis ko na din," sabi pa ni Claudine.  

Ayon pa sa aktres, game na game pa din daw siya sa mga umaatikabong sampalan na minsan na niyang ginawa noon sa mga Kapamilya teleserye. 

"Oo kasi ang teleserye talaga parte na iyan ng buhay ng mga Pilipino araw araw." 

Sa kanyang planong pagbabalik nais din umano ng aktres na makatrabaho ang mga bagong henerasyon ng mga artista kabilang na ang kanyang pamangkin na si Julia Baretto.

"Julia Montes, yung pamankin ko (Julia Baretto) and siguro yung mga boys ngayon like si Arjo Atayde," pagatatapos na pahayag ni Claudine.

Huling napanuod sa kapamilya network si Claudine noong 2008 sa Iisa Pa Lamang