• Home
  • Fresh Scoops
  • Alessandra de Rossi also reveals she and Empoy Marquez declined an endorsement offer for a motel.

EXCLUSIVE: Alessandra de Rossi declines P2M endorsement offer from a liquor brand

Alessandra de Rossi also reveals she and Empoy Marquez declined an endorsement offer for a motel.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/19/2017 09:13 AM
EXCLUSIVE: Alessandra de Rossi declines P2M endorsement offer from a liquor brand

 

Magkahiwalay muna ngayon sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez na unang nagkasama sa blockbuster film na Kita Kita.

Bida si Alessandra sa pelikulang 12 (showing on November 8) na siya rin ang sumulat ng script kasama si Ivan Padilla at may sarili ring pelikula si Empoy, ang The Barker (showing on October 25) kasama naman si Shy Carlos.


“Lagi kaming okay ni Empoy. Masayang-masaya ako para sa kanya. Alam niya yon, more than myself, alam niya naman kasi na hindi ako mahilig sa pa-star, eh,” sey pa ng aktres.

Dahil sa pagsikat ng kanilang tambalang Alempoy, marami ring kompanya ang gusto silang kuning endorsers.

“Honestly, masyado akong maraming tinanggihan. Si Empoy, tanggap nang tanggap and I love him for that,” bulalas niya.

Patuloy ni Alex, “Like for example, isang brand ng liquor, may offer na P2 million. Ayokong mag-endorse ng alcohol. Kumuha na lang sila ng babae na makakasama ni Empoy.

“Tapos pinag-pray ko talaga na, ‘Lord, ituloy niyo kahit wala ako kasi ayoko na mawalan si Empoy ng project dahil maarte ako.’ Hindi ako mag-i-endorse ng bisyo. Bakit ako mag-i-endorser niyan?

“May tinanggihan din kami na Empoy, ito funny, huwag mo na lang ding sabihin, kinuha kaming endorser ng motel/hotel. Hahaha! Yung parang, ‘Seryoso ba kayo?’ Kissing scene nga ayoko tapos ilalagay n’yo ako diyan?” natatawa niyang kuwento.

Meron din daw dapat na endorsement para sa isang fastfood chain ang Alempoy pero may nauna nang natanguan si Empoy kaya hindi na rin ito natuloy.

Eh, ano ang reaksyon ng Cornerstone (management team) sa kanyang mga pagtanggi?

Sagot niya, “Naiintindihan kasi nila ako, eh. Ako ang nakakaalam, eh. Path ko ‘to, 20 years ko nang inaayos ang path na ‘to, eh, di ba?

“So parang wala silang magagawa. Of course, nasa-shock sila minsan. Ayoko lang talaga ng bisyo, anything na malaswa, babuyan. Puwede akong mag-cover ng sexy, walang problema sa akin yan.

“Pero nasaktan ako nung makita ko yung price – P2 million. Naku, hindi ako puwede dito, sorry. Tapos parang sumagot agad sa akin si Lord, sabi niya, papalitan ko yan ng mas malaki. Hindi pa siya kinu-confirm pero mukhang totoo,” excited niyang balita sa PUSH.

Samantala, balak na rin ni Alessandra na subukan ang pagdidirek ng pelikula.

“Meron ng mga nakaplano pero hindi ako yung artista. Pero yung Diary Thirty Something gusto talaga ni Boss Vic (del Rosario) ako ang magdirek.

“Sabi ko naman, kaya ko kung movie siya. Kasi nung una ko siyang sinulat movie siya, eh, tapos naging series kasi nga sa dami ng characters at sayang kung hindi mo ma-explore yung character ng isa’t isa.

“Yung movie kaya ko pero yung series ‘di ko na kaya. So, tinawagan ko si Zig Dulay, sabi ko mag-co-direct tayo. Lahat ng eksenang nandon ako, siya ang magdidirek. Lahat ng eksenang wala ako, ako ang magdidirek. Basta hindi ako ang magdidirek ng sarili ko. Ayoko talaga. Kailangan kong mag-concentrate sa shot ko,” lahad niya.

Eh, sinu-sino naman ang gusto niyang idirek in the future?

“Siyempre gusto kong idirek yung kapatid ko (Assunta). Gusto ko rin si Julia Montes. Gusto kong idirek si Ivan (Padilla), magaling kasi talaga.

“Actually, may sinusulat ako for Piolo (Pascual), kaming dalawa yung bida, sana tanggapin niya. Kapalit ko sa Kita Kita. Hahaha!

“’Kung binigyan mo ako ng Kita Kita, bibigyan kita nito.’ Yon nga lang, hindi ako sure kung feel niya. Tingnan natin. Tapos si Joyce Bernal ang gusto kong magdirek,” nakangiti niyang pagtatapos sa PUSH.