• Home
  • Fresh Scoops
  • Abot-tenga ang ngiti ng legendary na mambabatok nang masilayan at mayakap niya ang kanyang ‘crush’ na si Coco Martin.

Coco Martin gustong masundan ang pagkikita nila ng tattoo artist na si Apo Whang Od

Abot-tenga ang ngiti ng legendary na mambabatok nang masilayan at mayakap niya ang kanyang ‘crush’ na si Coco Martin.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/19/2017 05:28 PM
Coco Martin gustong masundan ang pagkikita nila ng tattoo artist na si Apo Whang Od

Hindi maipinta ang kasiyahan ng internationally renowned tattoo artist ng Kalinga Province na si Apo Whang-Od sa pagkikita nila ng kanyang Idolo na si Coco Martin.

Sa tulong ng Philippine Air Force, sinundo mula sa Buscalan, Tinglayan sa Kalinga Province ang 100-year-old na mambabatok. 

Sikat ang tattoo artist dahil sa pambihira nitong pamamaraan ng pagta-tattoo at mga disenyo na minana pa sa mga sinaunang pamamaraan at istilo ng kanilang tribo.


Kasama ang kanyang mga apo na sina Grace Palicas at Charlie Pan Oy, personal na pumunta si Apo Whang Od sa Maynila para sa isang malaking event ng Department of Trade and Industry (DTI) at para makita na din ng personal ang kanyang idolo na si Coco Martin.

Sa exclusive Interview ni Jeff Fernando ng ABS-CBN News, masayang ikinuwento ni Apo Whang Od ang kanyang naramdaman ng malaman niya na magkikita sila ng kanyang Idolo.

 

Nasundo na namin siya!

A post shared by Jeff Fernando (@showbizjeff) on

"Matanda na daw siya at masaya siya na narating niya ang araw na ganitong edad, at happy siya dahil makikita niya ng personal, ‘di kagaya noong araw puro picture lang ang nakikita nya," pahayag ni Whang Od na isinalin sa Tagalog ng kanyang apo na si Grace.

Mula sa Villamor Airbase, dumiretso si Whang Od sa pagkikita nila ni Coco sa isang hotel sa Quezon City. Niyakap siya agad ng mahigpit ng FPJ Ang Probinsyano lead star at bakas na bakas sa mukha ng tattoo artists ang kasiyahan.

 

Malaki din ang pasasalamat ni Coco kay Whang Od dahil sa paghangga nito at pagmamahal sa kanya. Ayon pa sa aktor espesyal sa kanya ang pagmamahal ng mga nakakatanda dahil lumaki siya ng malapit sa kanyang lola.

"Masaya po siyempre pangarap ko rin po talaga na magkita kami. Base sa mga videos na napapanood ko talagang plano ko na sana magkaroon ng pagkakataon na finally magkita kami. Dahil laki ako sa lola, iba yung pakiramdam na alam ko na may tao tulad niya na humahanga at nagmamahal sa akin," sabi ni Coco 

 

Panuorin kung gaano kasaya si @mr.cocomartin sa pagkikita nila ni #ApoWhangOd. #TattoONaTo #CocoMartin #B617

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on


Napuno ng biruan at kuwentuhan ang kanilang pagkikita at sa huli hanggad ni Coco na sana ay magkita silang muli. 

"Lola, thank you po nagkita na tayo maraming salamat po sa paghanga at sana po mag-enjoy kayo dito sa Maynila at sana ako naman makadalaw sa inyo," pahayag pa ni Coco kay Whang Od. 

Isa si Apo Whang Od sa mga espesyal na bisita sa 36th Edition ng Manila Fame na proyekto ng DTI.