Inamin ng aktor na si Daniel Matsunaga na karelasyon na niya ang 19-year-old na Polish model na si Karolina Pisarek. Dating sumali ito sa Poland’s Next Top Model Cycle 5 noong 2016.
Sa panayam kay Daniel ng Pep.ph sa isang movie press con, sinabi ng 28-year-old actor-model na, “Yeah, we’re together.”
Subalit tumanggi itong magdetalye pa, “Kasi, I prefer to have a personal life… I just want to have it really quiet and masaya.”
Open naman daw si Daniel na isang Brazilian-Japanese sa long-distance relationship dahil nga taga-ibang bansa si Karolina. “If you love someone, that doesn’t stop me. I had long-distance [relationship] before,” aniya.
Samantala, ipinaliwanag rin nito kung bakit ayaw na niyang pag-usapan pa ang kanyang present relationship.
“In showbiz, believe it or not, a lot of people get involved, and I don’t know…I don’t want that to happen in my future relationship.”
Tumanggi na rin itong ungkatin pa ang kanyang mga nakaraan. “Let’s not talk about past. I want to live present and the future… Mas masaya yung present at saka yung future.”
“I’m not really comparing anybody, and just pray for my next to be my wife sana,” dagdag pa niya.
Huling nakarelasyon ni Daniel ang aktres na si Erich Gonzales. Bagama’t hindi nila sinabi ang dahilan ng kanilang paghihiwalay noong Pebrero, naging malaking isyu ito.