• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Beauty kaya na i-handle ng kanyang kaibigan ang kanyang sarili pagdating sa pag-ibig.

Beauty Gonzalez nag-react sa chikang buntis ang BFF na si Ellen Adarna

Sinabi ni Beauty kaya na i-handle ng kanyang kaibigan ang kanyang sarili pagdating sa pag-ibig.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/18/2017 04:44 PM
Beauty Gonzalez nag-react sa chikang buntis ang BFF na si Ellen Adarna
Main Photo Credit: Beauty Gonzalez Instagram

 

Isa ang Pusong Ligaw star na si Beauty Gonzalez sa mga kilalang malapit sa sexy actress na si Ellen Adarna, na kasalukuyang nasa bakasyon kasama ang rumored boyfriend nito na si John Lloyd Cruz.

Matatandaan na talk of the town at paborito ngayon ng mga netizen sina Ellen at John Lloyd dahil sa mga kontrobersyal na mga social media post ng rumored couple


Read: John Lloyd Cruz on Ellen Adarna: ‘This girl really did something good to my soul’

Pero para kay Beauty masaya siya para sa kanyang kaibigan na obvious na maligaya din sa kanyang buhay pag ibig.

 

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

"Nakikita naman natin sa Instagram nilang dalawa na masaya sila and I guess wala din naman akong karapatan na magsalita for them but masaya ako para sa kanila. I am very happy for both of them and I can say na nagkakasundo sila. They are really taking care of each other, so parang nakita na nila yung match nila sa isa't isa," paliwanag ni Beauty. 

Ayon pa sa aktres, bilang magkaibigan may respeto pa din siya kay Ellen lalo na sa personal na buhay nito. Napapabalita kasi na nagdadalang tao daw ang sexy star. 

 

Try-yad haha #artfair

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

"May sarili silang buhay at ang sama naman kung ititext ko siya ng 'uy buntis ka pala?' Out of nowhere? Hindi ko nga alam na may chismis pala na ganun. Tsaka matanda na sila, kaya na nila yun kung yun ang gusto nila gawin," dagdag pa ni Beauty. 

At kung sakali din umano na makatanggap siya anytime ng wedding invitation sinugurado din ni Beauty ang kanyang presence para sa kanyang mahal na mga kaibigan.

 

Ninongs and Ninangs

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

"Of course kahit saan pa iyan, kahit saan pang parte ng mundo pupuntahan ko iyan. Siyempre ninang (at ninong ) silang dalawa ng anak ko na si Olivia and Ellen is my best friend, because of Ellen kaya kami nagkakilala ng asawa ko, so kahit saan pa iyan pupuntahan ko siya," pahayag pa ni Beauty.