50th showbiz anniversary ni Nora Aunor ipinagdiwang ng mga Noranians

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/18/2017 09:18 AM
50th showbiz anniversary ni Nora Aunor ipinagdiwang ng mga Noranians
Photo credit: @misismatet IG

 

Walang kupas na pagmamahal pa din ang handog ng mga true-blooded Noranians para sa kanilang idolo na si Superstar Nora Aunor na nagdiwang ng 50th year anniversary sa showbiz industry.

Sa isang espesyal na salu-salo, nakasama ng mga Noranians ang kanilang idolo na masayang-masaya dahil sa walang hanggang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga fans.

"Sila ang nagpagod dito at maraming, maraming salamat sa lahat ng organizers– sila ang nagpagod–at sa lahat ng mga fans," sabi ni Ate Guy.

Nakisaya din ang malalapit na kaibigan ng superstar gaya ng veteran movie producer na si Mother Lily Monteverde at aktres na si Maricel Soriano. Present din ang mga anak ni Ate Guy na sila Ian De Leon at Matet De Leon.

 

 

💙💙💙

A post shared by Matet de Leon Estrada (@misismatet) on

Buhay na buhay din ang mga Noranians sa pagkanta ng “Bongga Ka ‘Day” para sa kanilang idol.

"Wala na po talaga, wala na ako hihilingin pa sa Diyos. Lahat naibigay na sa akin. Maraming, maraming salamat," pahayag ng Superstar.

Isang pelikula at napipintong pagbabalik telebisyon ang mga aabangan kay Nora