• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Geostorm’ puts the focus on the possible disasters brought about by climate change.

‘Geostorm’ highlights the consequences of climate change

‘Geostorm’ puts the focus on the possible disasters brought about by climate change.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/17/2017 09:47 AM
‘Geostorm’ highlights the consequences of climate change

 

Isa na namang disaster movie mula sa Hollywood ang palabas ngayon. Tinatalakay ng pelikulang Geostorm ang maaring kahinatnan ng climate change sa iba’t-ibang parte sa mundo na sinahugan ng special effects at malalaking eksena. Ito ay co-written, co-produced at directed by Dean Devlin na nahasa na sa ganitong klaseng mga proyekto tulad ng box office hit na Independence Day na pinilahan noong 1996.

Bida sa Geostorm sina Gerard Butler, Jim Sturgess, Abbie Cornish, Alexandra Maria Lara, Richard Schiff, Robert Sheenan, at Andy Garcia (na gumanap bilang US President).


High tech na ang mundo at nako-control na ng science ang global weather sa satellite na Dutch Boy kung saan dependent na ang lahat ng bansa sa pagsalba pagdating sa natural disasters. Pero napasok ng virus ang buong system ng Dutch Boy kaya’t sinalakay ng malalaking kalamidad ang iba’t-ibang bansa.

Pasok na pasok pa rin ang trademark na nasisira ang iba’t-ibang world landmarks at maraming tao na iba’t-ibang nationality ang nagtatakbuhan. Nagsimula ang shooting ng pelikula taong 2014 na nagkaroon ng maraming reshoots para mas maging pulido ang big scenes.

Medyo lumaylay lang ang Geostorm sa bandang gitna ng kuwento na sana ay ibinigay na lang sa disaster scenes na hinihintay ng audience. 

Sa huli, istorya ito ng dalawang magkapatid na lalaki at kung paano sila muli pinaglapit dahil sa malaking trahedya na kanilang pinagdaanan.