Boy Abunda, nagpasalamat sa mainit na pag-suporta sa kanyang libro

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/17/2017 09:44 AM
Boy Abunda, nagpasalamat sa mainit na pag-suporta sa kanyang libro

 

Present ang King of Talk na si Boy Abunda sa ika-apat na taon ng Best Nanay Awards na programa ng Make Your Nanay Proud Foundation para sa natatangi at simpleng kontribusyon ng mga ordinaryong ina sa lipunan.

Pagmamalaki ni Tito Boy na dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang ina, nabuo at nasimulan niya ang Best Nanay Awards.


 

The people behind Best Nanay Awards 2017. 💚💚💚

A post shared by MYNP Foundation, Inc. (@makeyournanayproud) on

"Dahil mahal na mahal ko ang aking sariling nanay at kahit papaano ako'y hindi naligaw ng landas, largely because of my devotion for my mother. So parang ang aking paniniwala kung patuloy kang magpapa-alala sa mga bata, sa mga anak, ibig sabihin sa lahat ng mga tao. Dahil lahat tayo ay anak ng ating mga nanay na ipagpatuloy ang ating pamumuhay. That makes our mothers proud e. Palagay ko mas maganda siguro ang mundong ito," pahayag niya.

Labis din ang pasasalamat ngayon ni Boy para sa mainit na pagsuporta sa kanyang libro na It's Like This na best seller na ngayon sa mga bookstore.

"Maraming maraming salamat po sa suporta at ito po ay best seller na po sa National Book Store sa sobrang suporta at tiwala na inyo pong ibinibigay sa akin. I don't know what good I did in the past to deserve all the blessings, pero I am humbled sa suporta na ibinibigay sa akin ng ating mga kababayan," sabi pa ni Boy.

Maituturing din ni Boy na maagang regalo ito para sa kanyang nalalapit na birthday ngayong darating na October 29. Pero higit sa lahat hiling ng King of Talk ang mas malakas na katawan para sa kanyang mga mahal sa buhay.

"Basta malusog lang ang aking ina, ang aking pamilya. Kalusugan talaga ang unang pumapasok sa aking isipan. Kapayapaan. I don't know why. Siguro comes with age, but you think about your own peace so you can share that to others pero siyempre on top of my list is well being of my mother and my family."

Kuwento pa ni Boy sa simpleng salu-salo lang kasama ang kanyang buong pamilya niya idaraos ang kanyang special day.

"I stay home, nagluluto kami ng pancit, nagluluto ng kung anong meron. Pero ang importante ay yung mayroon kaming pagsasalusaluhan sa bahay."