• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Bomba’ ni Allen Dizon, magku-compete sa 33rd Warsaw International Film Festival

‘Bomba’ ni Allen Dizon, magku-compete sa 33rd Warsaw International Film Festival

Allen Dizon sasabal ulit sa international film festival.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/17/2017 9:51 AM
‘Bomba’ ni Allen Dizon, magku-compete sa 33rd Warsaw International Film Festival


 

May pelikula na naman ang multi-awarded actor na si Allen Dizon na kasali sa international film festival. Sasabak ang kanyang pelikulang Bomba under ATD Productions at idinirek ni Ralston Jover sa A-List filmfest na 33rd Warsaw Film Festival na gaganapin sa Poland ngayong third week ng October.

Kinakabahan pa rin ba siya nagko-compete ang kanyang pelikula sa international filmfest?

Sagot ni Allen, “Siguro kapag mga awards night. Ako every time na may awards night, medyo siyempre ay kinakabahan ka, na parang nae-excite ka na hindi mo maintindihan eh. Kasi, baka matalo, ganyan.”

May ginagawa rin daw siya para matanggal ang kaba.

“Lagi akong negative, eh. Negative thinker kasi ako, eh. So kapag naging positive o nanalo ng award, mas happy ako.

“Hindi ako laging nag-i-expect, parang nire-reverse Psychology ko. Parang, ‘Huwag kang mag-expect, hindi ka mananalo diyan.’ Para at least kung ano, hindi ako masyadong malulungkot. Pero in reality siyempre, malulungot ka pa rin,” paliwanag ng aktor.

Base sa feedback ng ilang nakapanood na ng trailer ng Bomba ay malaki raw ang laban nito sa Warsaw Filmfest.

“Siyempre nakaka-excite para sa akin na ma-appeal yung trailer. Nai-excite na ako lalo't ipalalabas na namin ito sa Warsaw na isang A-list festival. Siyempre iyon yung parang bonus, di ba? International release na kasi agad, festival na agad.

"Sana ay mas maganda yung kalalabasan kapag napanood na ng mga tao yung pelikula. Pero siyempre, nakakataba ng puso yung mga papuri. Every time naman, lahat naman ibinibigay ko yung best ko eh, bilang artista," sambit pa niya.

Aminado naman si Allen na sobrang nahirapan siya at na-challenge sa role bilang isang pipi at bingi sa latest indie movie niya.

Aniya, “Para sa akin, isa ito sa pinakamahirap at pinaka-challenging, ang hirap kasing maging pipi, wala kang dialogue, eh. At mahirap din pag-aralan yung sign language at kung paano sila gumalaw.”

May kulang pa ba sa kanyang sa kabila ng napakarami na niyang acting awards?

“Hindi naman kulang, parang siguro gusto ko lang na ma-maintain ko yung mga magagandang project. Kasi hindi ko alam, after nagawa ko na ang lahat, hindi ko alam kung saan ang pupuntahan ng career ko, hindi ba?

“Pero siyempre ang gusto ko, hanggang sa pagtanda ko ay umaarte pa rin ako. Kumbaga, iyon yung gusto kong gawin talaga, eh,” pagtatapos ni Allen sa PUSH.