• Home
  • Fresh Scoops
  • Panawagan ni John Arcilla: ‘Sana mag-ingay sa States ang pelikula natin.’

‘Birdshot’ ni John Arcilla pasok sa Oscars

Panawagan ni John Arcilla: ‘Sana mag-ingay sa States ang pelikula natin.’

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/17/2017 09:40 AM
‘Birdshot’ ni John Arcilla pasok sa Oscars
Photo credit: @johnarcilla IG

 

Kasalukuyang nasa Cannes, France ngayon ang award-winning actor na si John Arcilla para daluhan ang world premiere ng Pinoy-made animation series na Barangay 143. Dito, kasama ni John sa proyekto ang ilan pang bigating Pinoy actor gaya nila Edu Manzano, Jaime Fabregas at Cherie Gil.

Dahil maituturing na unang Pinoy anime series ito na mapapanuod sa ibang bansa, proud si John para sa kanilang bagong proyekto.


"Parang anime na first time in the Philippines na tatlo ang producers niya. And first time na magkakaroon tayo ng anime na ang istorya ay particularly tungkol sa ating mga Pilipino na umiikot sa issue ng basketball," pahayag ni John.

Kuwento pa ng award-winning actor, napapanahon na din para iangat ang husay at talentong Pinoy animators na matagal ng gumagawa ng dekalibre at dekalidad na pelikula at mga short features.

"Sila (Pinoy animators) actually ang gumagawa ng mga animation na talagang pang-world class. Magiging proud tayo kasi ang mga artist natin lalo makikita ang galing at mapo-promote sila," ani pa ng actor.

Bukod sa Barangay 143, suporta din ngayon ang hinihingi ni John para sa pelikulang Birdshot na entry ng Pilipinas para sa 2018 Oscar Awards para sa kategorya ng Best Foreign Language movie.

Ayon pa kay John, kailangan gumawa ng ingay ng pelikula para mapansin ng mga botante ng prestihiyosong academy awards.

"Andami kasing voters all over the USA. Kapag ‘di maingay ang ating entry yung mismong 5,000 voters among 200 entries all over the world, kapag judge ka tapos kapag di maingay, baka i-last mo na panoorin o baka hindi pa. Sana mag-ingay sa States ang pelikula natin para makapasok naman tayo sa magic nine," panawagan pa ni John.

Aktibo din ngayon ang karera ng aktor sa telebisyon kung saan napapanuod siya ngayon sa top rating primetime teleserye na FPJ's Ang Probinsyano bilang si Director Hipolito. Dahil dito thankful din ang aktor sa positibong reaksyon ng mga fans kapag nakikita siya ng mga ito sa personal.

"Matalino na ang manonood ngayon eh. Ang sinasabi nila sa akin galit na galit ako sa iyo bilang Hipolito, yun ang sabi nila. Tapos magpapa picture sila kaya nakakatuwa," sabi pa ni John.

Sa ngayon labis na nagpapasalamat si John para sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya ngayon.