• Home
  • Fresh Scoops
  • Veteran actor Chinggoy Alonzo passes away after battling colon cancer

Veteran actor Chinggoy Alonzo passes away after battling colon cancer

Chinggoy passed away at the age of 69.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

10/16/2017 8:34 PM
Veteran actor Chinggoy Alonzo passes away after battling colon cancer


 

Pumanaw na ang beteranong aktor na si Ramon ‘Chinggoy’ Alonzo noong Linggo ng gabi, Oktubre 15, dahil sa sakit na colon cancer. Ayon sa kanyang manager na si Shirley Kwan, bandang 11:30 ng gabi binawian ng buhay ang aktor sa Chinese General Hospital.

READ: Veteran actor Chinggoy Alonso dies

Kasalukuyan inaayos ang kanyang burol na gaganapin sa Christ the King Church sa Quezon City.

Bumida sa sari-saring pelikula at teleserye si Chinggoy at ilan dito ay Buhay Artista Ngayon (1979), Anna Karenina (1996) at Etiquette for Mistresses (2015). Huli siyang nakita sa telebisyon sa teleseryeng Wildflower bilang si Senator Pablo Alcantara.

Bukod sa magandang karera bilang aktor, kilala rin siya bilang isang alagad ng teatro. Ilan sa hindi makakalimutang karakter niya sa teatro ay nang gumanap siya bilang si Don Quixote sa Man of La Mancha at Captain Von Trapp sa The Sound of Music.