• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya si Gerald sa feedback ng manonood sa mga bagong kasama niya sa “Ikaw Lang Ang Iibigin” na sina Arci Munoz at JC Santos.

Gerald Anderson sa mga basher ni Arci Munoz: ‘Sana kilalanin muna nila yung tao’

Masaya si Gerald sa feedback ng manonood sa mga bagong kasama niya sa “Ikaw Lang Ang Iibigin” na sina Arci Munoz at JC Santos.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/16/2017 06:05 PM
Gerald Anderson sa mga basher ni Arci Munoz: ‘Sana kilalanin muna nila yung tao’

 

Nasa Barcelona, Spain na ngayon ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson para magbigay saya sa Kapamilya Fiesta World 2017, na taunang selebrasyon ng mga pinoy TFC subscriber na naninirahan na ngayon sa Barcelona.

Kasama ni Gerald sa pagbibigay saya ang ilan pa sa mga Kapamilya stars gaya nina Piolo Pascual, Pooh, Enchong Dee at Bea Alonzo.


 

 

We're ready Kapamilya sa Barcelona #Kapamilyafiestaworld #Barcelona @abscbnregionalevents

A post shared by pooh_tik (@pooh_tik) on

 

Bago sila lumipad, nakapanayam ng PUSH si Gerald at sinabi nito na ibang saya ang kanyang nararamdaman kapag napapangiti niya ang mga kababayan sa ibang bansa.

 

 

"Sobrang nakaka inspire, sobrang nakaka motivate mga trabaho lalo makikita mo yung mga kababayan mo na nanunuod sa TFC kumbaga pag dating namin doon mararamdaman nila na kahit papaano ang Pilipinas,” kwento pa ni Gerald sa beauty and fitness event ng CosmoCee Vitamins kung saan isa siya sa mga brand ambassador.

Bukod sa kanyang Barcelona trip, masaya din daw ngayon si Gerald para positibong papuri ng mga manunuod sa morning TV series nila nina Kim Chiu at Jake Cuenca na Ikaw Lang Ang Iibigin, na mas pinaiinit pa lalo ng mga bagong karakter nina JC Santos at Arci Muñoz.

"Pampa-intense ng show natin si JC and Arci. Sobrang galing nila so lalong dagdag tensyon sa mga nangyayari sa story," sabi ni Gerald.

Puring puri din ni Gerald ang kabaitan ni Arci, na minsan na niyang makasama sa mga hit movies na Always Be My Maybe at Can We Still Be Friends.

 

"Sobra ang bait nga niya eh, binalik nga namin sila ni JC kasi kumbaga matatapos na yung part nila pero dahil nagustuhan ng mga tao binalik pa sila at nadagdagan pa ng mga eksena at pumayag pa din siya so sobrang nakakatuwa kasi ang bait niyang tao," masayang kwento pa ni Gerald.

Dahil paborito ngayon ng mga basher si Arci, may panawagan si Gerald sa mga netizen na walang humpay sa pangkukutya sa aktres.

"Sana kilalanin muna yung tao kasi napakabait niya eh. And hardworker. Ginagawa niya lahat para sa pamilya niya and I think mas nangingibabaw yung ganung mga qualities niya," pagtatapos ni Gerald.