2017 Miss Earth Belarus loses her smart phone in the Philippines

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/16/2017 08:11 PM
2017 Miss Earth Belarus loses her smart phone in the Philippines
Photo credit: Miss Earth Facebook Page

 

Kasalukuyang nagaganap ngayon sa bansa ang 2017 Miss Earth beauty pageant at nandito ang mga delegates mula sa iba't ibang parte ng mundo para makipagcompete sa titulo at korona.

Isa sa mga di inaasahang pangyayari ang pagkawala ng smart phone ng Miss Earth Belarus na si Polli Cannabis.


Sa kanyang Facebook account, ikinuwento ni Polli ang kanyang di magandang experience kung paano nawala ang kanyang gadget.

Nasa isang shopping mall si Polli ng mapansin nya na may apat na tao na sumusunod sa kanya at sa loob mismo ng clothing store nawala ang kanyang gadget.

Nag-file na ng police report ang beauty queen at nanawagan sa kanyang mga mahal sa buhay na email at messenger na muna ang kanilang paraan ng communication.