• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Winwyn Marquez, di daw makakapunta ang kanyang magulang at boyfriend sa competition.

Winwyn Marquez, excited and nervous to represent the Philippines in Reina Hispanoamericana in Bolivia

Ayon kay Winwyn Marquez, di daw makakapunta ang kanyang magulang at boyfriend sa competition.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/15/2017 08:49 AM
Winwyn Marquez, excited and nervous to represent the Philippines in Reina Hispanoamericana in Bolivia
Photo credits to @wynmarquez IG

 

Bago umalis ng Pilipinas si Teresita “Winwyn” Marquez na anak ng dating showbiz couple na sina Alma Moreno at Joey Marquez ay pumirma muna siya ng movie contract sa Regal Entertainment kasama ng iba pang 2017 Miss World Philippines winners.

Sa huling linggo ng Oktubre ang alis ni Winwyn para mag-compete at irepresent ang Pilipinas sa Reina Hispanoamericana pageant na gagawin sa Bolivia. Si Winwyn ang first ever Pinay beauty queen na sasali sa naturang internatonal beauty pageant.


Ayon kay Winwyn, excited na siya at kinakabahan sa pagpunta sa Bolivia.

“I’m excited to perform, kasi siympre, Latina yung mga kasama mo. Kailangan lumevel ka sa kanila, eh. I’m excited to learn also because I’m sure they’re more mature than me.

“Sanay na kasi talaga sila and naisip ko, once in a lifetime din na pumunta ng Bolivia. Kasi hindi mo naman maiisip na pumunta ng Bolivia. So, I’m excited and nervous at the same time,” simulang kuwento ni Winwyn nang makausap siya ng PUSH.

Spanish ang language sa Bolivia pero hindi naman daw kailangan na marunong na marunong talaga siyang magsalita ng language para sa kompetisyon.

“Alam talaga ng organization na hindi ako marunong mag-Spanish. Ang sabi lang nila is to know the greetings kahit konti lang para maipakilala yung sarili mo. Sabi nila, don’t worry kasi may interpreter naman na ibibigay sa akin.

“Actually, nakausap ko na yung ibang candidates, I message some on Instagram, I took the initiatives to message them. Sabi ko, I’m excited to see them, to meet them, and then nagkaroon kami ng parang Whatsapp group. Sabi naman nila, ‘Don’t worry, we speak perfect English,’” kuwento pa ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez.

Sasamahan sana si Winwyn ni Alma papuntang Bolivia pero hindi raw ito pinayagan ng doctor.

“Kasi ang biyahe ko is 26 hours. Di siya pinayagan kasi iba rin ata yung weather sa Bolivia, thin air sila. Tapos yung pagod sa eroplano hindi advisable, pati yung likod niya, di ba meron siyang multiple sclerosis, baka di niya kayanin yung pagod,” sey pa ni Winwyn.

Hindi rin daw siya masasamahan ng boyfriend niyang si Mark Herras at ng dad niya.

Aniya, “Si Yeoj lang ang sasama sa akin. Siya ang magbabantay sa akin. Actually, mahal talaga papunta don. Sabi ko na lang, babalitaan ko sila. Kasi pag nando’n din sila iisipin ko kung kumusta na ba sila. Gusto ko focus na lang din ako sa gagawin ko do’n.

“Yung kuya ko pupunta talaga do’n kasi tutulungan niya rin ako in my things kasi nga ang daming lipat din ng eroplano at hindi ko kakayanin na mag-isa lang at nag-volunteer yung brother ko na samahan ako.”

Sa isyung hindi masyadong sikat ang Reina Hispanoamericana na sasalihan niya ay nagbigay din ng reaksyon si Winwyn.

“Ako rin naman, nung una hindi ko rin alam. But apparently, 28 years na yung pageant at do’n yung pool nila for Miss Universe nila, mga sumasali sa Miss World. Don muna sila sumasali, yon yung training ground nila.

“So lahat ng Latinas na sumasali don, talagang ginagalingan kasi don kumukuha ng representative. Ang Miss World last year na first runner-up galing siya ng Reina,” proud niyang pahayag sa PUSH.