• Home
  • Fresh Scoops
  • 2016 Miss Universe Philippines Maxine Medina, bibida na sa kanyang unang horror movie.

Maxine Medina, na-experience tumira sa ‘sementeryo’

2016 Miss Universe Philippines Maxine Medina, bibida na sa kanyang unang horror movie.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/16/2017 02:35 AM
Maxine Medina, na-experience tumira sa ‘sementeryo’

 

Hindi na pala kailangang i-motivate pa ni Direk Joey Reyes ang beauty queen na si Maxine Medina sa mga nakakatakot na eksena sa Spirit of the Glass 2: The Haunted, na showing na on Nov. 1.

“Matatakutin kasi talaga ako in real life,” sabi ng 2016 Bb. Pilipinas Universe.


Ayon pa kay Direk Joey, normal na lumalabas ang takot sa mukha at reaksyon ni Maxine kaya effortless ang kanyang mga eksena habang naglalaro ng spirit of the glass.

Naikuwento rin ng beauty queen na ang old house ng kanyang lola sa D. Tuazon sa Manila na kanilang tinitirhan noon ay dati palang sementeryo.

“Kasi po simula pa lang nu'ng bata kami, mahilig na kaming mag-story telling lalo na 'yung mga scary, 'yung mga nakakatakot,” sambit niya.

Patuloy ni Maxine, “Kasi 'yung mommy ko, lahat ng magkakapatid, na-experienced nila sa bahay ng lola ko sa D. Tuazon. So 'yung story na 'yun kasi cemetery yon before, pero pina-blessed na rin, tapos 50 years na rin yung bahay, matagal na.”

Ayon pa sa beauty queen, may mga nararamdaman ang kanyang mga kapamilya sa naturang bahay.

“Feeling ko, pero kasi hindi naman nila ako tinatakot. Wala akong na-feel simula nu'ng bata ako. Pero kaya lang ako natatakot kasi 'yung stories ng mga Tita at Tito ko, nadadala namin," dagdag niya.

When asked kung ano ang chance ng Philippine representative na si Winwyn Marquez sa gaganaping Reina Hispanoamericana pageant sa Bolivia, may nabanggit din si Maxine.

“Ang dami-daming Pilipina na magaganda, matatalino, mas magagaling kaysa sa ibang countries na girls.

“We should be proud, yun na lang, for her na sasali siya sa ganitong pageant, although I’m not familiar with this pageant, ha?

“Pero in any case, kahit anong pageant pa 'yan, basta I’m all the way to support a Filipina,” sabi pa niya.

Pahabol pa niyang pahayag, “Hindi sa ano ha, pero kahit sinong ilaban mo na Filipina sa lahat ng pageant, nakakapasok. Di ba, pansinin nyo?

“Saka iba ang beauty ng Filipina. Iba ang galing talaga natin.Naa-appreciate ng buong mundo.”

Samantala ang Spirit of the Glass 2: The Haunted ay kasama rin sa cast sina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, Benjamin Alves, Ashley Ortega, Enrico Cuenca, Dominic Roque, Ahron Villaflor at Janine Gutierrez.