• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Dennis Padilla, deserve ni Empoy Marquez ang tagumpay niya ngayon dahil mabuti itong tao.

EXCLUSIVE: Dennis Padilla ibinulgar ang mga pinagpiliang aktor bago napunta kay Empoy ang ‘The Barker’

Ayon kay Dennis Padilla, deserve ni Empoy Marquez ang tagumpay niya ngayon dahil mabuti itong tao.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/15/2017 09:00 AM
EXCLUSIVE: Dennis Padilla ibinulgar ang mga pinagpiliang aktor bago napunta kay Empoy ang ‘The Barker’

 

Masaya at excited si Dennis Padilla sa pelikulang The Barker dahil ito ang kanyang directorial debut.

“Well, nung 2013 inaalok na ako ni Herbert (Bautista) na magdirek. Sabi ko kay Herbert hindi pa ako handa. Kaya ko naman ito tinanggap, yung mismong story kasi akin yon, eh. 2013 ko pa nasulat ito,” kuwento ng actor turned director sa PUSH.


Ang The Barker ay pinagbibidahan ni Empoy Marquez na ayon kay Dennis ay first choice talaga niya.

“Si Empoy na talaga yung gusto ko noon pa kahit hindi pa nagsu-showing ang Kita Kita. I was looking for a new comedian na palagay ko papatok at may hatak sa masa,” rason niya.

Sa panayam ng PUSH ay ini-reveal din ni Dennis kung sinu-sino ang mga aktor na pinagpilian nila para magbida sa kanyang kauna-unahang action-comedy film.

“Sa totoo lang, yung choices noon nandon si Ryan Bang, si Jayson Gainza, si Hyubs Azarcon, si Long Mejia, tapos si Empoy. Sila yung pinag-uusapan namin kung sino yung puwedeng barker, ganyan-ganyan,” pagtatapat niya.

“Tapos I heard from Viva na may bagong movie nga, yung Kita Kita na ang bida ay si Empoy at Alessandra (De Rossi). So sabi ko, sige si Empoy na lang. Si Empoy na lang yung gawin nating The Barker.

“So it is still a gamble. Eh, nag-positive kasi kumita yung Kita Kita, di ba? Eh, kung nag-negative, siyempre itutuloy ko pa rin. So ang akin, we already gambled on Empoy wala pa man yung Kita Kita,” paliwanag ni Dennis.

Positibo naman si Dennis na kikita rin ang The Barker ni Empoy basta sisipagan daw ng komedyante ang pagpo-promote ng pelikula.

“Sabi ko nga ay Empoy, ‘Empoy, sipagan natin ng pagpo-promote nito ha kasi ang laki ng peg natin nasa P300 million.’ Sabi niya, ‘Oo kuya, tulungan tayo sa pagpo-promote.

“Kaya lang sa sobrang busy ni Empoy talagang piling-pili lang yung araw na magagamit namin siya para sa promo because meron siyang bagong teleserye.

“May bago pa siyang pelikula at ang dami niyang commercial na ginagawa, ang dami niyang ie-endorse, di ba. Eh, lahat naman ng yan deserving si Empoy kasi napakabuti niyang tao,” papuri pa niya kay Empoy.

Ang Viva artist na si Shy Carlos ang kapareha ni Empoy sa The Barker.

“Naalala ko nga yung panahon namin nina Andrew E na ang leading lady namin magaganda kahit kami naman ay hindi kaguwapuhan. I think, si Empoy siguro yung lahat ng magiging kapartner nito ay yung the most beautiful leading lady sa Philippine cinema,” masaya niyang reaksyon.

Palabas na ang The Barker sa October 25 mula sa Viva Films at Blank Pages Productions.