Alessandra De Rossi sumabak na din sa screenplay writing

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/15/2017 09:01 AM
Alessandra De Rossi sumabak na din sa screenplay writing

 

Matapos ang success ng movie na Kita Kita na pinagsamahan nila ni Empoy Marquez, may bagong pelikula ang pagbibidahan ngayon ni Alessandra De Rossi na pinamagatang 12. Makakasama niya dito ang bagong Viva Artist na si Ivan Padilla.

Sa naging panayam na ito, masayang ipinagmalaki ni Alex na bukod sa pagiging aktres ay isa na din siya sa tumatayong screenplay writer ng kanyang pelikula.


"Hindi sa akin based yung kuwento, maraming tao sa paligid natin ang nakaranas ng simpleng mga problema sa magkarelasyon na lumalaki, close sa akin or hindi. Parang masasabi natin na pare-parehas lang pala ang problema ng bawat relationship," kuwento ni Alex.

Bilang baguhan sa pagsusulat ng mga pelikula, aminado si Alex na nahirapan siya dito.

"Mahirap yung wala kang training, hindi ka nag-aral kahit kanino, Honestly may sinusulat akong dalawang story pa ngayon so nag-enjoy talaga ako mag-sulat ngayon," ayon pa sa aktres.

Kasabay ng lakas ng loob sa pagsusulat ng mga pelikula, malaki din ang pasalamat ni Alex sa mga kaibigan niya na tumulong sa kanya.

"Heart, God I don't know who guided me, may mga friends ako na kapag kailangan ko ng tulong. Salamat kasi andyan ang mga kaibigan ko," sabi ni Alex.

May panawagan din si Alex para sa mga magkukumpara ng Kita Kita sa kanyang bagong proyekto na ito.

"Unfair talaga ang mag-compare ng dalawang bagay na kahit anong gawin mo at pagtabihin mo hindi talaga sila pantay. Maraming naka-line up for AlEmpoy, sobrang dami ang naka-line up for us sobrang excited ako na gawin yun. Kaya lang siyempre may sarili kaming buhay," pahayag pa ng aktres.

"Hindi naman kami love team para pag gumawa ka ng project without him, parang wala nang kuwenta yung project mo or may fans ba kaming ganun na magagalit ‘di ba?" dagdag na pahayag pa ni Alex.

Mapapanuod ang pelikulang 12 sa darating na November 8 sa mga sinehan. Mula sa direkyson ni Dondon Santos.