Daniel Matsunaga in love na nga ba?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/14/2017 09:39 AM
Daniel Matsunaga in love na nga ba?

 

Sa naganap na media launch ng upcoming horror movie ngayong ng OctoArts films na Spirit of The Glass 2 The Haunted, may good news na ini-reveal ng Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga. Matipid man ang detalye, halata pa din ang kilig sa mga mata ni Dandan.

 

Daniel Matsunaga at the #SpiritOfTheGlass2 Presscon


A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

"It's complicated, kasi trabaho muna," natatawang pahayag ni Daniel.

Kuwento pa ni Dandan, hindi muna daw siya ready na ipakilala ang kanyang bagong napupusuan dahil nais muna daw niya mag-focus sa mga blessings na kanyang natatanggap ngayon.

"For now, huwag muna. I'm very happy I can say na I'm happy sa lahat ng blessings na dumating sa buhay ko ngayon. I have three movies. Mayroon ako nito (Spirit of the Glass), Meant To Be, and Fall Back as well so andami kong blessings. And for sure meron akong teleserye pero I can't mention it now so pag masaya sa work, masaya sa work," sabi pa ni Daniel.

Ayaw pa din tigilan ng tanong si Daniel tungkol sa kanyang nakaraang relasyon, pero pakiusap ni Daniel iwanan na ito sa nakaraan.

 

Merry Christmas Danrich 🎄🎄🎊💥🎉

A post shared by Daniel Kenji Matsunaga (@dandanmatsunaga) on

"I prefer not to talk about my past relationship anymore kasi past is past ‘di ba?" pakiusap pa ni Daniel.

Masaya din si Daniel sa muli nilang pagsasama ngayon ni Cristine Reyes para sa isang proyekto matapos ang reality show noon sa kapamilya network na I Can Do That.

"Ako sobrang excited ako kasi siyempre galing kami ni Cristine sa I Can Do That so I was really honored to be part of this movie," pahayag pa ni Daniel.