• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes handa na rin makipagsabayan ng pelikula ngayong undas.

Cristine Reyes nagpasalamat sa positive reviews ng ‘Seven Sundays’

Cristine Reyes handa na rin makipagsabayan ng pelikula ngayong undas.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/14/2017 09:23 AM
Cristine Reyes nagpasalamat sa positive reviews ng ‘Seven Sundays’

 

All smiles ang aktres na si Cristine Reyes sa media launch ng kanyang pelikula na mapapanuod ngayong undas na Spirit of The Glass 2 The Haunted.

Dito makakasama ni Cristine ang ilan sa mga kapamilya stars gaya nina Daniel Matsunaga, Arron Villaflor, Dominic Roque, at ilan pang bituin gaya nina Janine Gutierrez, Benjamin Alvez, Ash Ortega, at Maxine Medina.


"Excited kasi first time ko magkaroon ng horror film ng undas so parang isa kami sa mga mananakot nitong undas."

Dahil Halloween, ilang horror movies din ang nakatakdang makakasabay ng Spirit of The Glass 2 The Haunted pero hiling ni Cristine mag-suportahan na lang at iwasan na ang kompetisyon sa ibang pelikula.

"Siyempre dapat andun pa din naman yung suportahan dahil sa panahon ngayon hindi na maganda na dumagdag pa tayo sa awayan ng mundo natin. So mas maganda na suportahan na lang natin yung isa't isa," sabi ni Cristine.

"Para sa akin, nakikita ko na mas maganda siya dahil dalawa ang hinahandog namin para sa lahat ng tao na panuorin hindi lang isa, dalawa," dagdag pa ni Cristine.

Bukod sa Spirit of The Glass 2 The Haunted, nagpasalamat din si Cristine sa positive reviews na kanilang natatanggap sa kanilang family movie na Seven Sundays.

 

 

Now Showing! #sevensundays

A post shared by twitter: @cristinekhatibi (@mrscristinekhatibi) on

 

"Oo nga kaya salamat po, I feel happy, blessed and at the same time inspired to work harder," pagtatapos na pahayag ni Cristine.

Mapapanuod ang Spirit of The Glass 2 The Haunted ngayong November 1 sa mga sinehan nationwide.