• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss World PH winners, sabay-sabay pumirma ng movie contracts sa Regal.

Miss World PH winners, kasama sa bagong batch ng Regal millennial babies

Miss World PH winners, sabay-sabay pumirma ng movie contracts sa Regal.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/12/2017 09:11 AM
Miss World PH winners, kasama sa bagong batch ng Regal millennial babies

Parami nang parami ang listahan ng bagong Regal millennial babies na bibigyan ng movie breaks ng Regal Films.

Ang pinakabagong pumirma ng kontrata sa kumpanya nina Mother Lily at Roselle Monteverde ay ang mga beauty queen na nanalo sa 2017 Miss World Philippines.

Pinangunahan ito ng kinoronahang Miss World-Philippines na si Laura Victoria Lehmann. Bago naging beauty queen ay isa munang courtside reporter si Laura at unang sabak din niya sa beauty pageant ang pagsali sa Miss World PH.


Isa rin sa pumirma ng kontrata ay si Teresita Ssen (Ness sa kabaligtaran) Marquez na anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na mas kilala sa showbiz bilang si Winwyn Marquez.

Si Winwyn ang magre-represent sa bansa para sa Miss Hispanoamericana Filipina na gaganapin sa Bolivia this November.

Pasok din bilang Regal millennial baby si Sophia Senoron na nagwagi namang Miss Multinational Philippines, Glyssa Leiann Perez na First Princess at Zhaniethia Jimenez na tinanghal namang Second Princess.

Ayon kay Roselle at Mother Lily, kino-conceptualize na ngayon ang magiging unang proyekto ng Miss World beauties na posible raw ang maging title ay Palibhasa Babae na inspired sa dating sitcom ng ABS-CBN na Palibhasa Lalake.