• Home
  • Fresh Scoops
  • Martin Nievera believes Zia Quizon has been a good influence on son Robin’s music and life.

Martin Nievera celebrates 35 years in showbiz

Martin Nievera believes Zia Quizon has been a good influence on son Robin’s music and life.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/12/2017 09:17 AM
Martin Nievera celebrates 35 years in showbiz

 

Excited ngayon si Martin Nievera para sa kanyang nalalapit na pagdiriwang ng kanyang 35 years sa show business.

Dahil dito, isang anniversary concert ang alay ni Martin para sa kanyang mga fans ngayong darating na December 8 sa The Theater of Solaire.


Sa 35 years ni Martin sa industriya, aminado ang singer na hindi biro ang kanyang pinagdaanan sa kung ano ang mayroon sa kanya ngayon.

"My 35 years in show business is really filled with highs and lows. But I think my lows were high and my highs were lows. In other words, yung mga gusto kong i-achieve yung highs muna, in-achieve ko at a slow pace and in God’s time kind of way," sabi ni Martin.

Kasama din sa 35 years ni Martin ang paglaki ng kanyang pamilya at pagkakaroon ng dalawang anak kay Pops Fernandez. Bilang tatay naman, masaya si Martin para sa mga anak lalo na sa kanyang panganay na si Robin Nievera na inspirado ngayon dahil sa anak ni ZsaZsa Padilla na si Zia Quizon.

"I had a chance to spend I think it was a month with Zia and Robin. And looking inside, looking outside sa relationship nila, I realize what a great person Zia is, her sense of humor, her thoughtfulness," kuwento pa ni Martin.

Puring-puri din ang concert king sa pagiging magandang impluwensya ni Zia mapa-musika man o personal na buhay ng kanyang panganay.

"She is great for Rob and I think is Robin is great for her. Musicality the same, gusto mag-compose ng songs na ‘di masyado bugbog."

Todo din daw ang suporta ni Martin at ang dating asawang si Pops Fernandez sa mga hilig ng kanilang anak lalo na sa musika. Kung kaya may pinaplano na concert kung saan posible nilang pagsamahan-samahan.

"Pops has this great plan to produce a show na Martin Nievera, Zia and Robin produced by Pops Fernandez."