• Home
  • Fresh Scoops
  • Michelle Vito hopes that training for a pageant will help conquer one of her greatest fears.

EXCLUSIVE: Michelle Vito is considering training to become a beauty queen

Michelle Vito hopes that training for a pageant will help conquer one of her greatest fears.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/12/2017 09:20 AM
EXCLUSIVE: Michelle Vito is considering training to become a beauty queen

 

Pagkatapos lumabas sa PUSH ang interbyu namin kay Michelle Vito sa posibleng pagkonsider niya na sumali sa isang beauty pageant tulad ng Binibining Pilipinas ay dumami raw bigla ang mga nagkainteres na i-mentor siya bilang potential candidate.

“Naloka nga po ako. Ang daming nag-comment. Nung lumabas po yon, sabi sa akin nung isang staff ng Binibini, sabi niya sa akin, ‘Bakit hindi ka na lang… kung hindi mo man gusto ngayon, mag-train ka para don mo maramdaman kung gusto mo talaga. And once gusto mo na, at least ready kana.’ Yon yung sinasabi nila sa akin,” pagtatapat ng dalaga.


Now that she’s already 20 years old, pinag-iisipan niya raw talaga kung magte-train na siya para maging beauty queen.

“Sponsor po ba yon? Hindi po ba ako magbabayad do’n? Kasi baka naman ang mahal ng fee sa training?” balik-tanong ni Michelle sa amin.

Patuloy niya, “Pero siyempre po, pag binigyan ako ng pagkakataon na i-offer talaga sa akin directly at willing silang i-train ako at kaya naman ng schedule ko, hindi ako busy, bakit hindi, di ba?

“I mean, walang masama kung magte-train ako. Baka do’n ko nga ma-feel na gusto ko, why not?

“Okay na rin po siguro yon para ma-conquer ko yung fear ko na magsuot ng two-piece sa harap ng maraming tao. Alam n’yo naman po na yon talaga yung kinatatakutan ko. Sabi ko nga po dati sa inyo, feeling ko nakahubad ako ‘pag ganun lang yung suot ko,” natatawang pahayag ni Michelle.

Dahil laging trending si Xander Ford, tinanong na rin namin ang dalaga kung posible bang ma-in love siya sa kagaya ni Xander na nagparetoke para maging guwapo.

Ani Michelle, “Siguro, oo naman po. Hindi naman yon sa physical, eh, nasa ugali yon. I mean, yung ugaling ng tao talaga yung titingnan natin.

“Hindi naman tayo tatagal sa isang tao kahit pa sobrang guwapo niya o kung anuman yung itsura niya pero kung yung ugali niya hindi okay. Siyempre, titingnan pa rin natin yung personality nung tao,” rason pa niya.

Wala rin daw siyang pakialam sa itsura ng taong mamahalin niya.

“Kung sobrang bait niya, like kung gagawin niya lahat para sa akin, yung siya talaga ang lalaki para sa akin, bakit hindi, di ba?” sabi pa niya.

Samantala, isa si Michelle  sa lead stars ng horror film na The Debutantes ng Regal Entertainment na kasalukuyan pa ring ipinapalabas sa mga sinehan.

Kasama niya sa pelikula sina Miles Ocampo, Sue Ramirez, Jane de Leon at Chanel Morales. The film is under the direction of Prime Cruz.