• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu bagong bff na sina Bela Padilla at Angelica Panganiban

Kim Chiu bagong bff na sina Bela Padilla at Angelica Panganiban

Sinabi ng aktres na marami siyang discoveries sa dalawang celebrity friends.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/11/2017 8:15 PM
Kim Chiu bagong bff na sina Bela Padilla at Angelica Panganiban


Hot topic kamakailan sa mga fans nila Kim Chiu, Bela Padilla at Angelica Panganiban ang bagong namumuong friendship ng tatlong Kapamilya stars.

Sa naging panayam na ito kay Kim Chiu, masayang nagkuwento ang Chinita Princess kung paano nagsimula ang kanilang masayang pagkakaibigan.

 

 

"unplanned moments are always better than planned ones." 😁😘😅 #nakakahighschool #neoprintislife 🤣

A post shared by Kimberly Sue Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

"Pumunta lang kami sa isang birthday party na hindi kami invited gate crasher kami ni Bela kasi galing kami sa isang birthday tapos ayaw pa namin umuwi ayun pumunta kami sa isa pang birthday, sa birthday ni Direk Andoy Ranay na andon si Angelica so ayun ang saya-saya, nakakatawa. Tapos hanggang sa lagi na lang kami lumalabas, sa Time Zone, mga kalokohan." Pahayag ni Kim sa Blue Water Day Spa press launch, kung saan isa siya sa mga endorser.

Masayang masaya din daw si Kim dahil sa mga bagong discoveries niya kasama ang mga bagong kaibigan na sina Bela at Angelica.

 

 

Happy three months of friendship 🤦🏻♀️ love you both! 👩❤️👩

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

"Kung anu-ano ang bababaw pala naming lahat, mga simpleng jokes lang tawang tawa na kami. Dun kami nagkita-kita, mga simpleng bagay pagtatawanan, yung simpleng takbo sa UP enjoy na enjoy kami, yung simpleng kain sa labas na hindi namin pinupuntahan, dinarayo namin ganun," ani pa ni Kim.

Pabiro din sinagot ni Kim ang isyung similarities nila at all single ladies silang tatlo.

"Grabe siya talaga, hindi naman! Masaya lang naman kami! (laughs)" masayang sabi ni Kim.

Ibinahagi din ni Kim ang mga masasabi niya na discoveries naman niya sa personalities nina Bela at Angelica.

"Kay Angelica, malalim pala siyang tao, ang dami niyang pa-words of wisdom na 'Ay nako! Sinasabi ko sa' yo' mga ganun siya. Si Bela naman makata naman siya, naniniwala siya sa mga hopeless romantic, so parang nagka-clash sila. So ako taga-laugh lang nila ako," kwento pa ni Kim.

Pagdating naman sa usapin ng love life, hindi din daw ito nagiging topic sa kanilang mga kwentuhan dahil mas gusto lang din daw nila ang magsaya.

"Wala naman parang dautan lang talaga, parang ano ba girl? Ano na? Wala fun lang ganun ." Pahayag ni Kim.