Iza Calzado, nagbigay ng mga detalye sa naganap na engagement

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/10/2017 09:40 AM
Iza Calzado, nagbigay ng mga detalye sa naganap na engagement

 

Pinag-usapan sa social media noong October 8 ang surprise engagement ng aktres na si Iza Calzado sa kanyang longtime boyfriend na si Ben Wintle na ginanap sa paborito nilang lugar sa Tagaytay.

Sa isang inakalang simpleng get together ni Iza naganap ang proposal kung saan kasama nila ang kanilang mga pamilya at piling mga kaibigan.


 

AND THE GREATEST OF ALL ... IS LOVE. #IBIza #IzaBenWintle

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on

Sa exclusive interview ni Jeff Fernando ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Iza ang kanyang nararamdaman matapos ang pinag-usapan na wedding proposal.

"Hanggang ngayon, parang siyang out of body experience. Ganun ko lang siya ma-describe. Initially, 'bakit parang hindi ako naiiyak? Bakit hindi ako naiiyak?' Kasi akala ko iiyak ako agad pag... pero hindi e. Ang weird. Parang medyo numb na tapos parang ‘dito na sa Sonya's ngayon na?'” sabi pa ni Iza.

"Nung nag-kneel siya, doon lang medyo nag-sink in tapos naalala ko kasi ang tatay kaya para tuloy akong na naiyak doon sa videos," kinikilig na kuwento ni Iza.

Ayon pa kay Iza, lalo pa nagpadagdag sa kanyang kilig nang masaksihan ng kanyang mga mahal sa buhay at kaibigan ang isa sa mga itinuturing niyang importanteng araw sa kanyang buhay.

"Grabe ang social media. Pero part of me I wished it was more intimate but dati kasi sinabi ko sa kanya when the proposal happens I want my friends and family to be there."

2011 nang nagkakilala si Iza at Ben at aminado ang aktres na hindi naging biro ang kanilang pinagdaan kung kaya thankful si Iza kung nasaan sila ngayon.

"Ang tagal na din nang hinintay namin, ang tagal na din ng hinintay ng mga tao. Parang mag-six years na din kami magkarelasyon and I'm like 30s na din so it's not something I'm keeping to myself na din."

Sa usapin ng araw ng kanilang kasalan, sinugurado ni Iza na hindi ito mangyayari ngayong taon dahil mas feel daw muna nila na namnamin ang kanilang engagement.

"Wala pa, wala pa kami doon. Parang ang dami pa din kasi kailangan gawin. We had our family gathering yesterday, today I have work so parang hindi pa talaga namin napag-uusapan pero definitely it’s not this year. Next year, probably not even early next year. For us both, it’s work first for now. Maybe in the latter part pa of next year," pagtatapos na pahayag ni Iza.