Empoy Marquez ipinakilala ang bagong leading lady

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/10/2017 09:20 AM
Empoy Marquez ipinakilala ang bagong leading lady

 

In character nang dumating sa media conference ang mga bida ng upcoming movie ng Viva Films na The Barker na pinangungunahan nina Shy Carlos at Empoy Marquez.


Sakay ng pampasaherong jeep, naka-formal si Empoy kasama si Shy Carlos na unang beses niyang nakapareha para sa pelikula.

"Sobrang saya ko na nakatrabaho ko siya ulit kasi nakatrabaho ko na siya before and ang saya makita na box office king na siya. I’m very happy for him!" sabi ni Shy.

Pagbibiro pa ng dalaga, aasahan din daw ang mga kissing scene dito with Empoy.

Masaya din para sa kanyang bagong proyekto si Empoy na pinag-aagawan ng mga movie producers ngayon.

"Thankful po ako kasi po gusto po nila ako, pero yung manager ko po yung mag-aayos ng mga project dumarating po sa akin," sabi naman ni Empoy.

Bukod sa pelikula, naging usap-usapan din ang good deed ni Empoy para sa mga dating kasamahan noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz. Palihim na nag-blowout si Empoy bilang paraan ng pagbabahagi niya ng kanyang blessings na tinatamasa ngayon.

"Nakasama ko naman sila dati sa mga project so nung pag-alis ko, ‘di nila alam binayaran ko na yung bill pero okay lang po sila," pahayag ni Empoy.

Samantala, sa tumitinding usapin din ngayon tungkol sa fake news, aminado si Empoy na naging biktima na din siya minsan ng mga maling balita pero tinawanan nalang niya ang mga ito.

"Oo yung bahay na may swimming pool na ganun may fake news na ganun. Tawa lang po ako ng tawa. Naka-tatlong tawa ako nun tapos nung nakita ko ulit naka-36 na tawa na ako nun," sabi pa ni Empoy.

Sa ngayon, excited na si Empoy at Shy sa showing ng The Barker na mapapanuod sa darating na October 25 sa mga sinehan nationwide