• Home
  • Fresh Scoops
  • Empoy leading man ni Shy Carlos sa pelikulang “The Barker.”

Empoy Marquez, binalak din bang magparetoke katulad ni Xander Ford?

Empoy leading man ni Shy Carlos sa pelikulang “The Barker.”

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/10/2017 04:04 PM
Empoy Marquez, binalak din bang magparetoke katulad ni Xander Ford?

 

Tinanong ng PUSH si Empoy Marquez sa presscon ng kanyang latest movie na The Barker kung binalak din ba niya ang magparetoke at ipabago ang itsura niya katulad ng ginawa ni Marlou Arizala na kilala na ngayon bilang Xander Ford.

Ayon sa aktor, iginagalang niya ang desisyon ni Xander pero parang hindi raw niya gustong baguhin pa ang itsura niya.


“Kasi, ‘pag binago ko po ‘yung mukha ko, baka malungkot po ang buong Pilipinas,” pabiro niyang pahayag.

Sabay buwelta niyang medyo seryoso, “Wala po talaga (balak magparetoke) kasi hindi na po ako si Empoy pag ginawa ko ‘yun.

“Para sa akin po, ‘yung kay Marlou, ginagalang ko po ang pasya niya sa buhay. Kung saan po siya magiging masaya, susuportahan po natin siya,”  dagdag pa ng komedyante.

Hindi pa gaanong sikat si Empoy nung gawin niya ang The Barker with Shy Carlos as leading lady. Hindi pa ipinapalabas noon ang Kita Kita na kumita ng mahigit P300M sa box office.
Nakakaramdam ba siya ng pressure sa bagong pelikula?

“Para sa akin po, wala akong pressure dito kasi, una po sa lahat, gusto ko pong magpasaya lang ng tao sa lahat ng viewers natin sa industriya.

“Ginawa po  namin nila Kuya Dennis itong movie na ito, hindi pa showing itong Kita Kita kaya hindi po ako pressured masyado dito sa movie. Masaya lang po naming ginawa ito sa set, parang naglalaro lang po,” katwiran pa niya.

Dagdag pa ng aktor, “Pagpe-pray po namin na ganu’n din (tulad ng Kita Kita) ang mangyari sa movie na ito at ipagkaloob po ni Lord na ganu’n din ‘yung kakalabasan.

Kapipirma din lang ng exclusive contract ni Empoy sa Star Cinema at ayon sa kanya, huling movie na niya outside Star Cinema ang The Barker.

“Opo, parang ganu’n na nga po. Unless po mag-collab (collaborate) ang mga producers,” sabi ni Empoy.

Dalawang taon ang pinirmahan niyang kontrata sa Star Cinema at ngayon ay inihahanda na raw ang kanyang mga gagawing proyekto.

Natanong din ang komedyante tungkol sa kanyang personal life, kung may asawa ba siya or may girlfriend.

Aniya, “Wala pa po, I’m still single, young and pogi.”

Sa tanong naman kung available pa ba siya ngayon, ang sagot ni Empoy, “Searching po.”

Samantala, showing na ang The Barker sa Oct. 25. The film is directed by Dennis Padilla and produced by Viva Films.