Anong resulta ng naging face reading ni Xander Ford?

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/10/2017 04:08 PM
Anong resulta ng naging face reading ni Xander Ford?

 

Naging trending ang pagpapabago ng mukha ng dating Hasht5 member na si Marlou Arizala na mas kilala na ngayon bilang si Xander Ford. 

Sa isang segment ng Umagang Kay Ganda nitong Martes, Oktubre 10, binigyan ng Feng Shui expert na si Master Hanz Cua ng face reading si Xander.


Unang inilarawan ang mukha ni Xander bago siya sumailalim sa cosmetic surgery. Dito napansin ang kanyang noo, kilay, ilong, bibig at baba. 

“Yung dati kasi, yung kanyang kilay manipis, medyo yung determination, yung hard work, medyo hirap talaga,” ani Master Hanz.

Sa pagbabago ng kanyang mukha ay tila maganda rin ang haharapin niyang kinabukasan ayon sa kanyang face reading. 

“Ang kanyang bagong mukha, makikita natin ang kanyang kilay ngayon ay makapal na. Ang makakapal na kilay ay nagsi-signify po na maganda po yung kanyang hinaharap or yung career niya will be established or be stable,” paglarawan ng Feng Shui expert.

Dagdag pa niya, “Mas buhay ang kanyang mata. Importante ang mata sa face reading dahil ang mata dyan nakalagay ang soul. Kung dati ang nose ay medyo malapad, ngayon mas mataas ang nose niya, this will signify yung kanyang career will be mas established. Ngayon mas prominent [ang lips], maganda po ang pagkaka-shape ng kanyang lips. Importante ang lips kasi dyan naman po nagne-negotiate.”

Ang masa-suggest na lamang daw ni Master Hanz na enhancement sa kanyang mukha ay ang cheekbones dahil nandito ang “nobleman star.” 

“Ang nobleman star, marami kang supporters, maraming tutulong sa’yo, instead of nang-aaway o nagba-bash sayo,” paliwanag ni Master Hanz.