Handa na nga ba umibig muli si Zanjoe Marudo?

May nagpapatibok na bang muli sa puso ng aktor?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/1/2017 5:56 PM
Handa na nga ba umibig muli si Zanjoe Marudo?


Not feeling well man, present pa din ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo sa Star Magic Ball 2017.

Dito masayang masaya na nagbigay pahayag si Zanjoe sa kanyang nominasyon para sa International Emmy Awards para sa kanyang naging pagganap noon sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

 

 

Zanjoe Marudo @onlyzanjoemarudo #starmagicball2017

A post shared by Push (@pushalerts) on

"Masayang masaya siyempre, hindi ko expected yung nomination, isang malaking blessing yun para sa akin," sambit ni Zanjoe. "Sa totoo lang hindi ko inaasahan yun, minsan ganun eh, kapag di mo iniisip binibigla ka na lang, kaya salamat."

Bukod sa usapin ng International Emmy Awards, napag-usapan din ang estado ng puso sa ngayon ni Zanjoe dahil solo flight ito noong ball.

Huling nakarelasyon ng aktor si Bea Alonzo, na tumagal ng mahigit limang taon. Naghiwalay sila noong 2016.

Napag-uusapan ngayon na malapit si Zanjoe sa dati niyang co-star sa My Dear Heart na si Bela Padilla.

"Handa naman ako, anytime handa ako (to fall in love again) parang Emmy's lang yan, pag ‘di mo inasahan dumarating," sabi ni Z.

Sa ngayon abala si Zanjoe sa kanyang pelikula na Fallback, kung saan makakasama niya si Rhian Ramos at Daniel Matsunaga.