Arci Muñoz, sawang sawa na sa mga bashers

May mensahe ang aktres para sa mga judgemental na tao.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/1/2017 9:43 AM
Arci Muñoz, sawang sawa na sa mga bashers


 

Aminado ang Kapamilya star na si Arci Muñoz na sawang sawa na siya pag-usapan pa ang isyu tungkol umano sa kanyang pag paparetoke ng mukha.

"Wala na talaga ako masabi but I don't know how to say it pero I don't give a shit," natatawang pahayag ni Arci sa red carpet ng Star Magic Ball 2017.

 

Arci Muñoz @ramonathornes #arcimunoz #starmagicball2017

A post shared by Push (@pushalerts) on

Kahit favorite ngayon ng mga basher si Arci sa social media, deadma pa din ang aktres sa mga pambabatikos at mga pangkukutya na ibinabato sa kanya.

"Ngayon kasi, hindi sa totoo lang, I'm just so amazed that they gave so much time, they give so much time and effort para mag-judge ng other people," sabi pa ng bagong bida ng Ikaw Lamang Ang Mamahalin

Ayon pa sa aktres wala din daw umano talaga siyang pakialam sa mga komento ng ibang tao. Payo pa ni Arci sa kanyang mga basher, "Why don't you look at yourself for once, ‘yun lang naman yung sa ‘kin," komento muli ni Arci.  

Bukod sa Ikaw Lamang Ang Mamahalin, busy din si Arci sa mga concerts at shows kasama ang kanyang banda na Philia.