• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach becomes emotional during her live Q&A on social media

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach becomes emotional during her live Q&A on social media

Pia Wurtzbach enumerates the people she will miss once her reign as Miss Universe ends on January 30.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/9/2017 1:57 AM
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach becomes emotional during her live Q&A on social media


010917-PiaWurtzbach_PUSH.jpgSa nalalapit na coronation night ng 65th Miss Universe sa January 30 sa Pilipinas, mainit din na sinusubaybayan ngayon ng mga pageant fans ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

Isa na dito ang trending na pinag usapan na Live Q and A ng reigning queen sa social media kung saan sinagot ni Pia ang ilang mga katanungan mula sa kanyang mga fans.

Naging emosyonal naman si Pia habang ibinabahagi niya ang espesyal na tao na kanyang ma mi-miss kapag nagtapos na ang kanyang reign bilang Miss Universe.

"I'm going to miss Esther (Swan ng Miss Universe Organization) e-mailing me my itinerary every day, and our travels, our long talks in the airplane, our food trips,” emosyonal na pagbabahagi ni Pia.

Bukod kay Esther, ma-miss din daw ni Pia ang buong organisasyon na umalalay sa kanya sa buong panahon niya bilang reyna.

"Everybody in the Miss Universe Organization played a big role in making my reign memorable,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat din si Pia dahil nabigyan siya ng pagkakataon ng organisasyon na makatrabaho ang bawat isa sa kanila sa loob ng buong taon.

“I’m really glad that I got to work with everybody. I’m really grateful and I hope I didn't give you guys too much of a headache," pabirong kwento ni Pia.

Naibahagi din niya dito ang ang kanyang kaunting plano na muling pagbalik sa New York upang ituloy ang ilan sa mga trabahong kanyang nasimulan na.

“I am very lucky that I still have a lot of work lined up after Miss Universe. In fact my February is booked, That’s good. The work continues on. I’m coming back here in New York. I am going back to the office and resume,” sabi ni Queen P.

Bukod sa kanyang live Q & A, trending din ang naging final photo shoot ni Pia bilang Miss Universe kung saan ipinakita niya ang kanyang kaseksihan.

Panoorin ang kanyang buong Q&A dito: