• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin remains a Black Nazarene devotee even with his packed schedule

Coco Martin remains a Black Nazarene devotee even with his packed schedule

Coco Martin reveals how his Black Nazarene devotion has made an impact on his life.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/8/2017 9:10 AM
Coco Martin remains a Black Nazarene devotee even with his packed schedule


010817-CocoMartin_PUSH.jpgKilala bilang isa sa mga masugid na deboto ng Quaipo ang Idolo ng Masa na si Coco Martin na nag umpisang maging deboto noon pa man bago siya maging isang kilalang artista.

Kuwento ni Coco tanging dasalin lamang niya noon sa poong Nazareno ay ang mabigyan siya ng regular trabaho kung kaya hindi niya inakala ang sobra-sobra at umaapaw na biyaya na kanyang tinatamasa ngayon.

"Sobrang importante po sa akin ang Quiapo hanggang ngayon. Dati nagdarasal lang ako sa lagi sa Quiapo, humihingi lang ako ng trabaho kahit ano kasi that time hindi pa ako artista e, kahit ano lang basta regular."

Umaapaw man ang blessings ngayon ng aktor nanatili ang mababang loob niya sa mga taong may kailangan ng tulong na kanyang nagiging paraan na din ng pasasalamat sa mga biyayang ibinibigay sa kanya.

"Sinasabi ko nga lagi sa sarili ko anong karapatan ko mag-reklamo, dati hinihigi ko lang magka-trabaho ng kahit ano basta regular ngayon ibinigay na sa akin kaya hinding-hindi ako mag-rereklamo kasi blessing yun. Kaya wala akong ginawa kundi ang iaapreciate siya at i-share siya," pagbabahagi niya.

Aminado din si Coco na kasabay ng tagumpay ang pagsasakripisyo sa ilang mga bagay na nakagisnan niyang gawin noong hindi pa siya sikat. Pero para sa kanya, parte ito ng kanyang trabaho kung kaya mas madali niya ito naintindihan.

"Mahirap honestly kasi may mga time na binibigay ko nalang ang oras ko para sa family ko, pero pag lumalabas ka na kasi ng tahanan mo, hindi naman na nila naiintindihan yun. Kunwari na lang hindi ako makabili ng damit ko, hindi na makakain sa labas kasama ang family ko, hindi makanuod ng sine, hindi ko siya nirereklamo kasi part yun ng trabaho natin pero mahirap kaso hiningi ko ito. Hindi ko pwedeng idaing yun."

Hanggang ngayon nanatili pa din ang debosyon ni Coco sa poong Nazareno abala man sa araw-araw na taping naisisingit pa din daw niya ang mag dasal at mag pasalamat sa mga biyaya.

"Oo nakakapunta pa naman. Kadalasan after ng taping nakakadaan ako bago umuwi kasi kailangan ko humingi ng guidance at gabay. Kasi simula nung dumating ako sa ABS-CBN, nagdirecho na lahat ng trabaho hanggang ngayon, mainit ang pagtanggap sa atin sa TV at pelikula kaya hindi ko inakala lahat ng ito," pagtatapos na kuwento ng actor.