• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin defends Yassi Pressman from negative comments about their team up

Coco Martin defends Yassi Pressman from negative comments about their team up

The actor says he is glad Yassi was given a break on “Ang Probinsyano” after her stint in Pinoy Big Brother.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/9/2017 1:55 AM
Coco Martin defends Yassi Pressman from negative comments about their team up


010917-CocoYassi_PUSH.jpgMasayang masaya ang aktor na si Coco Martin sa patuloy na pamamayagpag ng “FPJ's Ang Probinsyano.”

Isa si Coco sa mga tumatayong creative consultants ng programa at ito din ang kanyang nagiging paraan ng pagtulong sa mga kapwa artista at stunt man na nangangailangan ng trabaho.

Sa naganap na thanksgiving party ni Coco kamakailan, naibahagi niya ang mga future plans nila para sa programa kung saan plano nilang ikutin ang ilang parte ng Pilipinas at mag pa-auditon sa mga lugar kung nasaan sila at isama sa kanilang programa.

Bukod dito masaya din siya para sa tinatamasang tagumpay ng mga baguhang artista na nakilala sa show gaya nila McNeal “Awra” Briguela at ni Onyok Pineda, na unti-unting nakikilala dahil sa kanilang mga talento.

Proud din ang aktor para sa aktres na si Yassi Pressman na tumatayong kanyang love interest sa programa.

"Happy ako for Yassi kasi nabibigyan natin siya ng opportunity, from other network pumasok siya sa PBB (Pinoy Big Brother) house, after PBB nabigyan siya ng chance sa ‘Probinsyano.’ Nakakatuwa kasi may opportunity na bukas para sa kanya agad,” saad ng actor.

Marami din ang pumupuri sa kilig na kanilang naihahatid sa mga manunuod. Ani Coco parte ng kanilang role ang magpakilig sa mga manunuod na tumatangkilik ng teleserye.

"Siyempre dapat kikiligin ka kasi honestly mahirap i-acting ang mga bagay, kasi bilang artista kailangan nararamdaman mo, yung inaarte mo pinaniniwalaan mo," paliwanag ni Coco.

Hindi man direktang sinagot ng aktor ang mga issue na nag li-link sa kanila romantically ni Yassi, dumepensa pa din si Coco tungkol sa samahan nila ng aktres.

"Bilang artista alam ko din ang limitation ko, artista ako e, at ayaw kong i-take advantage yun at ayaw ko maglaro sa kahit sinong tao," pagtatapos ng actor.