• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina airs disappointment regarding TV project: ‘I quit!’

Ara Mina airs disappointment regarding TV project: ‘I quit!’

Ara said she has never felt so 'devalued' in her 2 decades of working as an actress.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/9/2017 1:49 AM
Ara Mina airs disappointment regarding TV project: ‘I quit!’


010917-AraMina_PUSH.jpgMay gustong ikuwento sa amin si Ara Mina few days ago pero hindi niya kami natawagan agad kung tungkol saan iyon hanggang naglabas na siya ng hinaing sa kanyang social media account.

Although hindi niya pinangalanan ang mga taong involve pati na ang pangalan ng TV show na tinutukoy niya, halata ang kanyang sama ng loob sa nangyari.

Post ni Ara, “More than 2 decades na ako sa industriyang ito, sobrang dami ko nang nakatrabaho at nagawang trabaho. Kahit mahirap na trabaho, ’di ko ugaling mag-reklamo kasi I’m a very patient person and hindi rin ako overly sensitive. I’m very open-minded and understanding.

“Just recently, na experience ko ang siguro pinaka-disappointing na pangyayari sa career ko. I have never felt slighted and devalued like how I am feeling right now. And it’s because of this one show that I committed myself to. Na akala ko mabibigyan ng halaga ’yung commitment ko and my value as an actress, which I believe is not so much for me to ask.

“Inintindi ko ang delays, I honored my contract and commitment kahit na ang dami kong offers since October of last year. Kasi may word of honor naman ako. Pero ganito pala ang isusukli sakin.

“Now, I want out. I won’t tolerate this. Not because mataas ang tingin ko sa sarili ko. But, I know my worth. And for me to be able to work well, kailangan maipakita kong may respeto naman ako sa sarili ko bilang artista.”

Patuloy pa ng award-winning actress, “Yes, I need to work. I am a single mother. But, I cannot allow them to devalue me any further. There are surely better people to work with. Therefore, I quit!”

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon na mostly ay puro words of encouragement ang pinost ni Ara.

Matipid din ang naging text niya sa amin.

“Sumobra na kasi Tito Leo. Kilala mo naman kung gaano ako kapasensyosa, di ba? Mahal na mahal ko ang trabaho ko pero sana naman respeto lang,” ang makahulugan niyang pahayag.