• Home
  • Fresh Scoops
  • 2016 Miss US Virgin Islands shares it's her third time to be in the Philippines

2016 Miss US Virgin Islands shares it's her third time to be in the Philippines

The 2016 Miss Universe contender says being in the Philippines feels like 'coming home.'

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/9/2017 1:45 AM
2016 Miss US Virgin Islands shares it's her third time to be in the Philippines


010917-MissUSVirginIslands_PUSH.jpgIsa-isa nang dumarating sa Pilipinas ang mga kandidata ng papalapit na Miss Universe 2016 pageant na gaganapin sa January 30 sa Mall of Asia Arena.

Dumating nitong Sabado sa Ninoy Aquino International Airport ang 26-anyos na kinatawan ng US Virgin Island na si Carolyn Carter.

Sa kanyang naging Instagram post labis pa rin daw ang kanyang pananabik sa Pilipinas kahit ito na ang ika- tatlong beses niya dito.

“MABUHAY PILIPINAS! I'm SO happy to be reunited with the Philippines for the third time, it feels like I'm coming home. And may I say, I am quite thankful ALL of my luggage has arrived [sic],” pahayag nito sa knyang Instagram post.

Masaya din umano ang kandidata sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga Pinoy na nag pa-picture pa sa kanya sa airport.

“Know how to make a girl feel loved and welcomed,” saad muli nito sa isa pang Instagram post.

Ayon naman sa kanyang profile sa Miss Universe.com , aktibo si Carter bilang spokesperson ng HIV / AIDS awareness sa Caribbean.

Kilala din si Miss US Virgin Island bilang isang fashion blogger at painter.