• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin recounts the miracle he asked from the Black Nazarene

Coco Martin recounts the miracle he asked from the Black Nazarene

Coco Martin talks about his devotion to the Black Nazarene.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/7/2017 3:25 PM
Coco Martin recounts the miracle he asked from the Black Nazarene


010717-CocoMartin-PUSH.jpgSa TV Patrol, iniulat na hindi nakakalimot si Coco Martin sa debosyon niya sa Poong Nazareno. Taong 2007 nang sinuong ni Coco ang daan-daang tao at pinalad siyang mahawakan ang poon.

Kwento ni Coco nagdasal daw siya noon sa Poon. “Lord bigyan niyo lang po ng trabaho kahit ano. Kasi that time hindi pa ako artista e. Kahit ano po hindi ko tatanggihan yan basta regular. Tapos simula nung nahawakan ko yung Nazareno na yun, mula nung araw na yun, hindi na ako huminto sa pagtatrabaho.” Dagdag niya, “sinasabi ko nga lagi, anong karapatan kong magreklamo?”

Noong nakaraang taon, nagsalita rin si Coco sa pyesta ng Poong Nazareno.

Naging debosyon na rin sa kanya ang pagtulong. Ayon sa ulat, maraming nabigyan ng second chance sa pag-arte sa teleseryeng Ang Probinsiyano kung saan si Coco ang bida.

Marami pa ring plano si Coco sa career. Kaya naman sabi ni Coco, hindi niya priority ang love life. “Sabi ko nga family muna iisipin ko. By 40, ako na yan.”