Jack Reid makes his big screen debut in ‘Dark Room’

Jack Reid says he idolizes his brother James when it comes to showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/6/2017 9:13 AM
Jack Reid makes his big screen debut in ‘Dark Room’


010617-JackReid_PUSH.jpgPinasok na rin ng nakababatang kapatid ni James Reid na si Jack Reid ang pag-aartista. Isa siya sa mga bida ng pelikulang Dark Room ng Viva Films na showing on January 18 at kasama niya sa movie sina Ella Cruz, Bret Jackson at iba pang Viva Artists Agency contract stars.

Eh, bakit nga ba bigla rin niyang pinasok ang showbiz?

“It’s actually because my brother asked me to. I was in Australia when James did Diary Ng Panget and then he ask me ‘why not try out showbiz and if you don’t like it you can always go back to school.’”

Nagustuhan naman daw agad ni Jack ang showbiz hanggang nabigyan na siya ng ilang TV assignments ng Viva.

Before joining showbiz, aminado si Jack na may iba sana siyang gustong gawin sa buhay.

“I was focusing on Business Studies. I wanted maybe to become… something to do with Commerce, but then it’s hard to do it here in the Philippines – the transistion—because it’s actually easier in Australia to do that,” kuwento pa niya.

Aminado si Jack Reid na simula pa nu’ng sumali sa Pinoy Big Brother (PBB) si James ay na-inspire na siyang maging katulad nito.

“I’ve been inspired ever since he won PBB (Pinoy Big Brother),” he said. “And it was different for me because at least, I have James to help me out if I have any problems.”

Pagtatapat pa ni Jack, hindi rin daw nila inakala noon na mananalo si James sa PBB.

“No one did. So, when he did, it was really crazy and insane. It was really eye-opening,” dagdag pa niya.

Handa naman si Jack na maikumpara kay James at aware siya na mangyayari ito lalo pa’t pareho na silang nasa showbiz.

“It’s only normal because I’m his brother. It happens to everyone, so I don’t really mind,” katwiran niya.

Eh, ano naman ang mga advice na ibinigay sa kanya ni James?

“He’s given me so much advice but he always just said, ‘be yourself’ because that’s what he did back when he started out,” sey pa ni Jack.

Samantala, ayon sa director ng Dark Room na si Pedring Lopez ay wala raw naman siyang naging problema kay Jack kahit first movie niya ang Dark Room.

“Bumagay naman sa kanya ang role bilang balik-bayan na Inglisero so walang naging problema,” sey pa ng director.

One year and half na dito sa bansa si Jack at magkasama sila ni James sa isang bahay. Nag-aaral din daw siya ng Tagalog ngayon dahil alam niyang importante ito para sa isang artista.