• Home
  • Fresh Scoops
  • Herbert Bautista denies reconciliation rumors with Kris Aquino

Herbert Bautista denies reconciliation rumors with Kris Aquino

Herbert Bautista wishes for good health this year.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/6/2017 9:23 AM
Herbert Bautista denies reconciliation rumors with Kris Aquino


010617-HerbertKris_PUSH.jpgLooking forward for a better 2017 ngayon ang actor-politician na si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kabila ng mga pinagdaanang kontrobersya sa buhay pag-ibig noong mga nakaraang taon.

Sa panayam na ito ng Push.com.ph kay Mayor Herbert, mas produktibo at positibong 2017 ang kanyang hangad para sa kanyang mga constituent sa lungsod Quezon.

"Masayang ang 2017. Well everybody is hoping na maging maganda ang 2017 kaysa sa 2016. Looking forward din tayo for a positive year and more productive year," panimulang pahayag ni Bistek.

Sabi pa ni Mayor wala na din daw siyang maihihiling pa bukod sa mas malakas at mas healthy na pangangatawan para mas mapagsilbihan niya ang kanyang mga kababayan sa QC.

"For my personal life, wala masyado. I just have to really work hard and maintain a certain weight para hindi ako magkasakit, so more focus lang sa health so we will be able to do more for our people."

Bukod dito, sinagot din ni Mayor Bistek ang kumalat na balita kamakailan na nagkabalikan na umano sila ni Kris Aquino nang makita silang magkasama sa Chili’s Reataurant sa QC.

"Hindi kami nagkabalikan," pagtanggi ni Bistek.

"Hindi, hindi.. kasi humihingi siya ng tulong tungkol sa kanyang business permit sa bagong itinayo niyang company, so sabi ko sige ayun nag meeting kami," pahayag pa ni Mayor.

Kuwento pa ni Bistek, naudlot man ang kanilang romance nanatili pa din naman ang kanilang pagkakaibigan.

"Okay naman kami and I'm happy that she's doing great. Ang huling balita ko nagpunta siya ng States para mag pa checkup and I'm happy kasi she's physically well," pagtatapos ni Mayor.